Prologue

44.6K 1K 223
                                    

Eros
  

Mula sa munting kusina ng unit tinignan ko ang oras sa wall clock sa kabilang parte ng kwarto. 6:13 na. Ano mang sandali ngayon ay darating na sya.

     Umupo ako, pinatong ang kape sa lamesa. Kinuha ko ang bungkos ng papel na nakalapag din dito para basahin, kailangan kong makabisado ang linya ko para sa audition mamaya.

     Mag-isa lang ako sa maliit na apartment na to–pangdalawa hanggang apat na tao ang unit kaya masyado na itong malaki para sa akin. Ginusto ko naman na walang kasama, upang hindi magulo at hindi maingay.

     Natigil ako sa paghahalo ng kape at pagkakabisa dahil sa katok sa pinto. Tumayo ako para pagbuksan sya. Magdadalawang linggo na namin tong sistema, tuwing umaga, bandang 6:15, pupunta sya sa unit ko para makiligo.

     Pagbukas ko ng pinto, tumambad sa akin ang pigura nyang halatang kagagaling lang talaga sa kama, bukod sa twalya na nakasabit sa kanyang balikat. Ang natural na brown nyang buhok ay tayo-tayo at nakabaling pakanan. May puti pa sya sa gilid ng labi at gusot ang puting tshirt. Pero hindi naman maitatanggi na gwapo sya sa kabila ng lahat, kahit na nung laging may bangas ang mukha nya.

     "Zach," sambit ko sa pangalan nya. Naidilat nya nang mas mabuti ang mata para tignan ako. "Bakit na naman?" tanong ko kahit obvious naman ang sagot at makailang beses na nya itong ginawa.

     Humikab sya, kinusot ang kanang mata. "Wala pa ring tubig, hindi pa rin umaakyat," sagot ni Zach. Nasa ikatlong palapag kasi ang unit nya, ang akin ay nasa ikalawa.

     Napakamot na lang ako. "Nasabi mo na ba yan kay Ate Cristy?" Si Ate Cristy ang namamahala sa mga apartment. Ilang araw ko nang pinapaalala sa kanya iyon pero ang lagi nyang sinasabi:

     "Oo naman." Hindi na sya nakapaghintay dahil inimbitahan na nya ang sarili sa loob ng unit ko, gumilid na lang ako para padaanin si Zach. Dumiretso sya sa maliit na kusina para magtimpla ng sarili nyang kape. "Ewan ko sa kanila kung ginagawan na nila ng paraan. But for the mean time, dito muna ako."

     Napailing na lang ako. Bumalik ako sa pwesto ko kanina para inumin na ang kape. Araw-araw dadating sya, magtitimpla ng kape, makikiligo, aalis. Wala namang problema sa akin dahil minimum lang ang bayad ko sa tubig dati, ngayong nakikiligo sya ay hati na kami kaya mas nakakamura ako. May sarili rin naman syang mga gamit pangligo at malinis sa banyo kaya ayos lang.

     Linapag nya ang tinimplang kape sa lamesa. "Maliligo na ako," paalam ni Zach.

     Tumango na lang ako bilang sagot.

* * *

     "Hoy!" Kinalampag ko ang banyo. Kung hindi lang ako ang gagastos sa pagpapaayos kapag nasira ang pinto, kanina ko pa to sinipa para bumukas. "Bilisan mo naman. Ako ang male-late sayo, eh."

     Tatlumpung minuto na sya sa loob. Ano naman kaya ang ginagawa nya para magtagal nang ganito? Huwag naman sana . . . Baboy na to, sa banyo ko pa talaga!

     "Hoy, Zach!" Pinukpok ko ulit ang pinto ng banyo. Biglang natigil ang paglagaslas ng tubig sa loob kaya medyo nakahinga akong maluwag.  "Salamat naman," bulong ko sa sarili. Kung bibilisan ko ang ligo aabot pa ako. Nanatili na lang akong nakatayo malapit sa pinto, hawak ang puti kong twalya, hinihintay ang paglabas nya.

     Bumukas ang pinto kaya agad akong humakbang papasok dahil akala ko lalabas na sya, pero hindi, natigil ako at nagkatinginan kami. Nakatayo sya, hawak ang busol ng pinto at nakasimangot. Wala syang ibang suot kundi ang tubig na binabalot sya mula ulo hanggang paa. Ang buhok nya ay nagkulay itim dahil sa pagkabasa at nakadikit sa kanyang noo. Ang mga tubig na dumadaloy dito ay dumidiretso sa kanyang pisngi at sa matangos nyang ilong pababa sa kabuuan ng kanyang katawan. Dahil sa gulat, napasunod na lang ang mata ko sa pagdaloy nito pababa.

     "Atat na atat?" bugnot na tanong ni Zach na nagpabalik sa mata ko sa mukha nya. "Kung gusto mo sumabay ka na lang."

     Bago pa ako makasagot o makakilos palayo, gamit ang libre nyang kamay, hinila ako ni Zach papasok sa banyo.

     Hindi ganito ang inaasahan kong umpisa ng araw ko. Walang sinabi ang ininom kong kape kanina, mas matinding pampagising pa ang nakikita ko ngayon.

The Bathroom Love Affair (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon