7

6.5K 170 20
                                    

Sana's POV

"Pass your homework." Sabi ni Professor.

Tumayo naman kaming lahat at binigay sa kanya ang homework na ginawa namin. Napansin ko namang hindi tumayo si Momo para mag-pasa.

Wala tong ginawa. -_-

"As usual Ms. Hirai wala ka nanamang homework." Iling na sabi ni Professor habang hawak-hawak ang mga homework na pinasa namin.

"Sorry sir. I'll do it next time." Naka-yukong sabi ni Momo.

"Siguraduhin mo lang." Banta naman ni Professor kay Momo. "You may go."

Nagsi-tayuan naman kaming lahat at dumiretso sa music room.

"Bakit tayo pupunta ng music room?" Tanong ko naman sa kanila habang nag-lalakad.

"Ewan ko. Bakit ba?" Naguguluhang sabi rin ni Jihyo.

"Syempre kapag sa cafeteria tayo pupunta, kakain lang si Momo." Napatawa naman kaming lahat sa sinabi ni Mina.

"Bakit ba ako na lang lagi?" Sabi ni Momo at nag-pout.

"Tigilan mo nga yan Momo!" Sita ko sa kanya.

Mas lalo naman siyang sumimangot sa sinabi ko.

Naupo naman kami sa bandang dulo at nakitang nandun din pala si Dahyun sa stage. Lumapit naman siya sa piano at nag-start ng tumugtog.

Ang galing pala niyang mag-piano.

Nakita ko namang nakatulala si Momo habang pinapakinggan si Dahyun. Kada pindot ni Dahyun ng keyboard sumasabay din ang ulo niya na parang may sarili siyang mundo.

Naka-dalawang tugtog siya ng biglang tumayo si Jihyo at pumalakpak.

"Wooow!" Sigaw niya at kunwaring umiiyak.

"Jihyo-unnie!" Dahyun whined kaya tumawa kami sa inasal niya.

Lumapit naman kami sa kanya habang  kinakaladkad si Momo kasi tulala pa rin siya.

Naka-drugs ata to.

"Kanta tayo Dahyun." Sabi naman ni Jihyo.

"Anong kanta Jihyo-unnie?" Tanong naman ni Dahyun.

"Always by Yoon Mi-Rae." Sagot naman niya.

Naupo naman kami sa harap habang umakyat naman si Jihyo sa stage at kumuha ng mic.

Nag-umpisa ng tumugtog si Dahyun at sinabayan naman ni Jihyo. Well maganda naman ang boses ni Jihyo.

Parang boses ko lang. HAHAHAHA!

"Magaling ka pa lang kumanta Jihyo-unnie!"

Lumingon naman kami sa likod at nakita si Chaeyoung at si Tzuyu kasama sila Jeongyeon at Nayeon-unnie.

"Ako pa Chaeyoung." Sabi ni Jihyo sa mic at nag-wink.

Lumapit naman sila at naupo sa tabi namin.

"Hi Mina-unnie!" Bati ni Chaeyoung.

Nag-blush naman si Mina at binati rin si Chaeyoung.

Tumabi naman sa akin si Tzuyu at ngumiti ng parang aso.

Pero mas mukha siyang Yoda yung sa Star Wars? HAHAHA!

"Ano namang ngiti yan?" Tanong ko sa kanya.

Umiling lang siya at hinawakan ang kamay ko.

Nag-wistle naman si Jeongyeon-unnie kaya tinignan ko siya ng masama.

"Bakit?" Tanong niya.

Tinaas ko naman ang kamay ko na naka-form ng fist. Umiwas naman siya ng tingin at nilandi si Nayeon-unnie.

Oo nilandi. Mga malalandi sila.

"Sexy mo talaga." Biglang sabi ni Tzuyu habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa.

Manyak na'to!

"I know right." Proud kong sabi sabay hair flip.

Confident!

"Pakagat nga." Bulong niya sa akin.

Tinignan ko naman siya ng masama at sinampal ng malakas.

"Manyak!" Sigaw ko.

Napahinto naman sila sa mga ginagawa nila at napatingin sa amin.

Lumabas naman ako sa music room at nag-lakad sa corridor.

"Hon!"

Sinong nag-sabing pwede mo'kong tawaging hon!?

Huminto naman ako at humarap sa kanya habang nakatingin ng masama. Napansin ko namang pinag-titinginan kami at nag-bubulungan.

Masanay ka na Sana.

Lumapit naman siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Wag ka ng mag-selos." Sabi niya sakto lang para marinig ng lahat habang naka-tingin sa mga mata ko.

Sinunaling! Nakaka-inis!

"Ikaw lang ang sexy sa paningin ko." Pag-papatuloy niya at niyakap ako sa bewang.

Nakita ko namang naka-tingin ang mga malalandi kong kaibigan at naka-ngiti na parang inaasar ako.

Mga bwisit!

Lumipat naman ang tingin ko sa gilid at nakita si Seolhyun at mga kasama niya na nakatingin sa amin ng masama.

Ikaw may kasalanan nito bwisit ka!

"Bitawan mo'ko." Bulong ko sa manyak na'to.

Binitawan niya naman ako at ngumti ng malapad.

Nagsi-alisan naman na ang mga tao kasama sila Seolhyun EXCEPT oo malaking except sila Jihyo.

"Sinong nag-sabing pwede mo akong yakapin?" Mataray kong tanong.

"Wala ka namang sinabing bawal yun." Kibit balikat na sabi niya.

Oo nga pala.

Napa-facepalm naman ako at pinalo siya sa braso.

"Enough with the drama." Sabi naman ni Nayeon-unnie at lumapit sa amin.

"Best actress award goes to!" Sabi ni Jihyo.

In-act naman ni Jeongyeon-unnie yung drum roll na tunog.

"Chewy!" Sigaw nilang lahat habang naka-turo sa kanya.

Tumawa naman si Tzuyu.

Mga baliw!

Tumunog naman ang phone ni Tzuyu at sinagot niya naman habang lumalayo ng onti sa amin.

Nakita ko namang nagka-tinginan si Dahyun at Chaeyoung na parang nag-aalala.

Anong meron?

"Unnies gotta go. Hinahanap na ako sa bahay." Paalam niya habang binubulsa ang phone niya.

"Sige. Ingat ka." Sabi naman ni Nayeon-unnie.

Nag-nod naman si Tzuyu at tumingin sa akin.

"Bye hon." Sabi niya sabay wink. "Bye Unnies."

Hon mo mukha mo!

Anong meron bakit ganun maka-react yung dalawa?

Inlove With A Perverted Girl!? || SatzuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon