8

6K 166 65
                                    

Sana's POV

Kumakain ako ng umagahan habang si Umma naman ay nag-bibihis. Ewan ko kung saan lakad niya.

"Sana alis na'ko." Paalam ni Umma habang inaayos ang buhok niya.

"Saan ba punta mo Umma?" Tanong ko naman sa kanya at sumubo ng pagkain.

"Kaylangan ko ng mag-grocery."

Wow naman. Mag-go-grocery lang kaylangan naka-bihis.

Tumango naman ako at kumain ulit.

"Lock mo ang pinto kapag aalis ka." Bilin ni Umma at umalis na.

Naubos ko naman na tong kinakain ko at hinugasan ang pinagkainan ko.

Pagkatapos kong mag-hugas naupo naman ako sa sofa at nanuod ng cartoons.

Ang boring naman. -_-

Pinatay ko na ang TV at napag-desisyonang mag-linis na lang ng bahay kaya kinuha ko na ang walis at nag-umpisa ng mag-walis.

Sipag ko diba?

"Sipag naman ng hon ko."

Napatalon naman ako sa gulat at hinampas yung walang hiyang nag-salita sa likod ko.

"Aray naman." Sabi ni Tzuyu habang nira-rub yung part na napalo ko.

Oo si Tzuyu. Siya lang naman tumatawag sa akin ng 'hon'.

"Sino namang nag-sabing pwede kang pumasok ng walang paalam?" Inis ko tanong sa kanya.

Napansin ko namang hindi siya nag-sasalita at naka-tulala lang sa bandang dibdib ko.

Oo nga pala naka-sando lang ako.

Pinitik ko naman ang noo niya at tinignan siya ng masama.

"Napaka-manyak mo talaga!" Inis kong sigaw habang pumapadyak-padyak pa.

Nginitian niya naman ako at umupo sa sofa.

"Mag-bihis ka na baka ma-rape pa kita." Sabi niya at ngumiti nanaman ng parang aso.

Binato ko naman sa kanya tong walis na hawak ko at dumiretso ng CR para maligo.

Mga ilang minuto lang ay tapos na ako pero napansin ko namang hindi ko dala ang towel ko.

Ano ba yan Sana! Anong gagawin ko!?

"Ang tagal mo naman atang maligo!?" Pasigaw na tanong ni Tzuyu.

"Ano kasi!"

"Ano?"

"Hindikonadalayungtowelko!" Mabilis kong sigaw.

"What? Hindi kita maintindihan!"

"Hindi ko nadala yung towel ko!" Pikit kong sigaw. Alam kong hindi niya ako makikita pero nakaka-hiya talaga!

Narinig ko namang tumawa siya ng malakas.

"Wag ka ngang tumawa diyan! Kunin mo yung towel ko!"

"Where!?"

"Nandiyan naka-sampay!"

Narinig ko namang may footsteps na papalapit sa akin kaya binuksan ko ng kaunti yung pinto.

Inabot naman niya sa akin ang towel at kinuha ko naman.

"Anong tinatayo-tayo mo diyan?" Nag-tatakang tanong ko sa kanya.

"Wala." Sabi niya habang umiiling. "Sayang hindi ko makita." Bulong niya.

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya at sinara ng malakas ang pinto.

Manyak! Akala mo hindi ko narinig?!

Lumabas naman na ako ng CR na naka-tapis lang ng twalya at tumakbo papuntang kwarto.

"Dalian mo mag-bihis!" Sigaw niya mula sa labas.

"Bakit mo ba ako minamadali?!" Tanong ko sa kanya.

"Samahan mo'ko sa mall!"

"Mag-hintay ka!" Sigaw ko naman.

Nag-bihis na ako at lumabas ng kwarto.

"Ano ba naman yang suot mo." Sabi niya habang tinitignan ako.

Wala namang problema sa suot ko. Short na maikli tsaka oversized na t-shirt.

Ang sexy ko kaya!

"Mag-bihis ka nga. Ako lang dapat mag-ma-manyak sayo."  Sabi niya at tinulak ako pabalik ng kwarto.

Kainis! Yun lang pala excuse niya. -_-

Nag-lakad naman ako ng padabog at pinalitan ang short ko ng jeans at lumabas na ng kwarto.

"Pwede na yan. Lets go." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

Ni-lock ko naman na ang pinto at sumakay na sa sasakyan ni Tzuyu.

"Ano bang gagawin natin sa mall?" Tanong ko sa kanya.

"Basta." Sagot niya habang naka-tingin pa rin sa daanan.

In-open ko naman ang radio at nag-hanap ng station na pwedeng pakinggan pero pinatay niya kaya tinignan ko siya ng masama.

"Nandito na tayo." Sabi naman niya kaya lumabas na ako sa sasakyan niya.

Hinawakan naman niya ako sa kamay at pumasok na sa loob.

Nasabi ko na bang kapag hinahawakan niya ang kamay ko e naka-interwine? Hindi pa? Ngayon alam niyo na.

Pumunta naman kami sa part ng mall na puro stuff toy. Kumuha naman siya ng cart at binitawan ang kamay ko para siya ang mag-tulak ng cart.

"Ano namang gagawin natin dito?" Tanong ko sa kanya.

"Mamili ka na lang diyan." Sabi naman niya.

Nakita ko naman yung malaking teddy bear na color pink pero hindi ko maabot kasi mataas kaya tinitignan ko na lang.

Ako na ang maliit. -_-

Napansin naman ni Tzuyu na tinitignan ko yung teddy bear kaya kinuha niya at nilagay sa cart.

Madami naman siyang biniling stuff toys kaya lumipat na kami sa station na puro candies.

Ano namang gagawin niya dito sa mga bibilhin niya?

Kumuha naman siya ng madaming candy at nag-lakad na kami papuntang cashier para mag-bayad.

Siya naman ang nag-buhat ng mga pinamili namin at nilagay niya sa likod ng sasakyan.

Umalis naman na kaming mall at nag-maneho nanaman si Tzuyu. Hindi ko naman alam kung saan next na punta namin.

"Saan naman tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.

"Ang dami mong tanong hon. Tumahimik ka na lang diyan."

Inirapan ko naman siya kahit hindi niya ako tinitignan at tumingin na sa bintana.

Kasalanan ko bang maging curious!? Hmmp!

Inlove With A Perverted Girl!? || SatzuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon