Chapter 73: Twin Sister

2.1K 84 2
                                    






~*~






(Rence POV)





"Hindi maaari ang nais nyo." Casual na sagot ni Patrick sa amin.

Bahagya akong napabuntong hininga. Walang patutunguhan ang usapan na ito. Bakit ba kasi ako sumama sa isang ito?

"I'll do anything in exchange." Pagpupumilit pa ni Matthew.

Isang iling lamang ang ginawad muli ni Patrick kay Matthew na ikanasimangot nito.

"Magugulo nyo ang takbo ng kasalukuyan pagpinagpatuloy pa ninyo ang inyong mga balak."

"Edi maganda!" Natutuwa namang saad ni Matthew na ikinabuntong hininga kong muli.

Wala bang kapaguran ito? Limang oras na kaming nakatambay sa silid ni Patrick at iyon lamang ang aming paikot ikot na usapan.....err sila lang pala.

"Hindi maganda 'yon."

"KJ."


"Wag mong daanin lahat sa laro at biro."

Bahagya namang nagseryoso ang aura sa paligid ni Matthew na ikinatigil ko.

"Anong nais mo iparating? Na laro at biro ang hinihingi ko sayong pabor? Buhay ninyong magkakaibigan ang nakasalalay dito kaya ako'y nagtungo agad." Seryosong saad ni Matthew bago tumayo sa kanyang kinauupuan at sinenyasan na akong lumabas, ngunit bago pa man kami makalayo nagsalita syang muli. "Kung ayaw mo para sa sarili mo, isipin mo na lamang na para sa amin ito."

Iniwan namin si Patrick sa kanyang silid at dumiresto na agad sa pintuan. Hindi na kami nagpaalam kay Andrei at Carlos, siguro maiintindihan naman nila ang mga ganiyong sitwasyon.

Tinignan ko si Matthew. Ano nga bang alam nya na hindi namin alam? Bakit ba nya pinagpupumilit na bumalik kami sa nakaraan? Para sa ano pa?

"Alam ko ang iniisip mo."


"Lahat naman ata alam mo. Bakit hindi mo pinigilan ang desisyon ng headmaster na ibigay si Cashmere kay Amanda? Hindi ba't isa ka sa mga malalakas na estudyante noon ng akademya?" Walang emosyong tanong ko sa kanya.


Nakita kong napatigil sya sa paglalakad at tumingin sa bintana ng hallway na aming dinaraanan. Malayo ang tingin nya at hindi nagsalita ni ano man. Nang akala kong wala syang balak na sagutin ang aking mga katanungan ay nagsalita sya.

"Wala akong laban sa isang halimaw."


"Mali ka. Alam kong kaya mong patigilin ang demonyo ni Cash o kaya mo rin yatang patayin ito. Ano nga bang dahilan Mat?"


Mali sya. Alam kong may dahilan pa sya.


Nakita kong napangisi sya bago ako tignan ng diresto sa aking mga mata. "Sa tingin mo ba kaya kong gawin iyon sa babaeng iniibig ko?"


I caught off guard. W-What did he say?


"I-Iniibig?" Pag-uulit ko na parang tanga.


F*ck it!


"Yun ang tanging kahinaan ko."



Hindi ko sya maintindihan. Am I getting stupid?

Nang akmang tatalikod na sana ako ay narinig ko syang tumawa kaya napalingon akong muli sa kanya ng may pagtatakang mga mata.

"What?!" Iritable kong tanong.


Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon