Track 4: Concordia Buzz

61.1K 2.2K 1.3K
                                    


Melody's Point of View


Wow. Who would've thought? Si Chord nga.

"Long time no see," I grinned at him. "You still remember me, right?" He nodded. "Dito ka pala nag-aaral? Biruin mo dito lang pala tayo magkikita ulit."

He just nodded again. Mukhang ganoon pa rin siya – hindi pa rin madalas magpakita ng emosyon. Pero anong malay ko? Ang tagal na naming hindi nagkikita. Kahit na kilala ko siya noon, hindi ko masasabi na gano'n pa rin ngayon.

"Magkakilala kayo?" turo ni Dex sa aming dalawa ni Chord.

"We're," I paused. Hindi ko alam kung ano ang idurugtong. We were childhood bestfriends pero ang tagal na no'n. It's been years since we last saw each other.

"Kaibigan ko noong bata pa kami," dugtong ni Chord sa sinasabi ko.

"Dude! Ilang taon ko na kayo kilala pareho pero hindi ko alam na magkakilala rin pala kayo?"

"We never really saw or talked to each other since 5th grade," paliwanag ko. "Magbuhat nang lumipat kami ng pamilya ko, nawalan na rin kami ng contact ni Chord sa isa't isa."

I heard Dex said 'oh'. Pagkatapos no'n ay medyo awkward na ulit. Weird pala sa feeling na makita mo ulit ang childhood best friend mo after ilang years. Wala akong masabi.

To be honest, I really want to see him again for old times' sake. He's a huge part of my childhood. We were inseparable back then but now... it's just really awkward.

Mas naging weird pa makipag-usap kay Chord at Dex habang kasama ko si Jarvis dahil may alitan pala ang mga banda nila.

"Uhh, mauna na kami?" I tried to break the awkward atmosphere and smiled at Chord and Dex. "Let's catch up next time."


***


"I don't know but this place is way busier today," bulong sa akin ni Kelsey nang mabigyan ako ng break pagkatapos ng tatlong oras. Unang araw ko sa trabaho at kahit sobrang busy ngayon kumpara noong unang beses na nakapasok ako sa coffee shop na 'to ay masaya naman ang experience ko. "Swerte ka siguro kaya biglang dami ng customers, ano?"

It'll be nice kung gano'n nga. Kaya lang anong malay ko sa swerteng ganyan?

"I also noticed that some people keep looking at you. Ikaw ha. Hindi pa man din official na nagsisimula ang semester pero mukhang may fans club ka na?"

"It's not like that. Bago lang kasi ako dito. Hindi sila pamilyar sa akin kaya siguro tumitingin sila."

"If you say so," biro ni Kelsey at tinapik ako sa balikat bilang senyales na babalik na siya sa trabaho.

Sa totoo lang medyo weird sa pakiramdam ang tingnan ng mga customers dito. 'Yung iba walang pakialam, 'yung iba pasimple lang habang 'yung iba naman ay lantaran. May kasama pang pagkuha ng picture. Hindi ko naman sana mahahalata kaya lang nakalimutan ata nila na i-silent ang phone nila o patayin ang flash. At para saan ang picture?

Ganito ba talaga sa coffee shop na 'to kapag may bago?

Oh well. Wala namang masama sa ginagawa nila. Isa pa baka nag-aassume nga lang talaga ako na ako ang pinagtutuunan nila ng atensyon.

Ilang sandali lang ay nag-unat ako at saka pinagpag ang pantalon para bumalik sa trabaho.

Nagserve ako ng drinks sa dalawang babae na nasa may dulo ng shop nang marinig ko ang isa sa kanila. "It's really her," bulong niya sa kasama niya.

And They Say...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon