Chapter 3 - Red Note

346K 10K 3.7K
                                    

A/N

Sorry po kung sooooooooooooooooooooobrang late. sorry po talaga. :(

-OnneeChan

_______________________________________________

=x=x=x MAXWELL x=x=x=

"Wag mo akong iwan..."

"Wag mo akong iwan please..."

"Maxwell..."

Napaupo ako. Napanaginipan ko nanaman si Rhianne...

"Kahit kailan hindi kita iniwan Rhianne.." bulong ko. "Ikaw yung nang-iwan sakin Rhianne.. iniwan mo kami. Nasaan ka na ba?"

*Tok tok tok*

"Bakit?" tamad kong tanong. Simula last week... simula noong nawala si Rhianne... ganito nako.

"Maxwell, may bisita tayo sa baba.." sabi ni Louisse.

"Sino?" 

"Tignan mo nalang. Bumaba ka na."

Tumayo na ako sa kama at nagsuot ng tshirt. Pababa palang ako ay rinig ko na ang boses ng bisita. Boses babae.

Nakasuot sya ng grey na blouse at black na pencil skirt. Kilala ko siya. "Detective Joan?"

"Hello, Maxwell. Natatandaan mo pa pala ako." Nginitian niya ako. Siya yung detective na tumulong sa amin noon upang malaman kung sino ang killer. Siya yung detective na nakahanap sa mga killer, sila Ynna at Bryan.

Umupo ako sa tabi ni Alexander. "Ano pong ginagawa niyo dito?"

Lumabas mula sa kusina si Louisse at may dalang orange juice. Nilapag niya ito sa lamesa at binigyan si Detective Joan.

"Narinig ko ang nangyari kay Rhianne.." Napabuntong hininga ako sa sinabi ni Detective Joan. "Gusto kong tulungan kayo."

"Po? Hindi naman po sa ayaw namin pero.. bakit po?" tanong ni Louisse.

"Hindi ko rin alam. Pero may nagtutulak sa akin na tulungan kayo. Siguro dahil sa nangyari sa inyo noon, siguro naaawa ako sa inyo. Gusto ko kayong tulungan." sabi ni Detective Joan.

Naaawa?

"Hindi namin kailangan ang awa mo." tumayo ako.

"Maxwell.." Hinatak ako paupo ni Louisse.

"Detective Joan, mawalang galang na po pero ano po ba ang makukuha mo kapag tinulungan mo kami? Wala po kaming pera." seryosong sabi ni Alexander.

"Wala akong hinihinging kapalit. Totoong gusto kong mahanap naten si Rhianne." sabi ni Detective Joan.

Nagkaron ng sandaling katahimikan. May kakaiba kay Detective Joan. Impossibleng gagawin niya 'to nang walang kapalit. Mapagkakatiwalaan ba namin siya?

Special Section 2 (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon