6- SeBiAe (1)

9.3K 388 31
                                    

Pabagsak na naupo si Tiana sa bleachers sa tabi ng kakambal. Pareho silang nakasuot ng garb, ang sinusuot ng mga Sentry, composed of black undershirt, leather jacket na nakabutones sa harapan, leather pants at combat boots. Ang kaibahan nga lang, mas hapit ang kay Tiana, iyung tipo na nakikita ang hubog ng kanyang katawan.

"Hindi talaga sila dadalo?" naiinis niyang tanong kay Deus. She was holding three-ball-and-chain flails in each hands. Her flail was a wooden rod, about two feet long, connected by a chain to three roughly spherical striking ends. It was her favorite weapon.

Deus on the other hand, kept it simple and more traditional

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Deus on the other hand, kept it simple and more traditional. He was inspecting the blade of a newly sharpened Zayin sword replica while Tiana was ranting beside him.

"Are you even listening to me?" inis na singhal ni Tiana sa kapatid na tinapunan lang siya ng medyo bored na tingin.

"They are busy. Dapat marunong kang umintindi," simpleng sagot ni Deus.

"Ito ang una nating SiBeAe. Dapat nandito ang mga magulang natin to witness that. Tingnan mo ang ibang Seniors, kasama nila ang parents nila," nakasimangot pa rin si Tiana. Hindi niya matanggap na hindi makakapanood ang mga magulang nila sa isang napakaimportanteng event sa buhay nilang dalawa ni Deus.

"Tiana, busy si Dad sa pamamahala sa Hellville. Alam mo namang lumalaki ang bayan natin. And Mom, hindi n'ya pwedeng pabayaan si Linus. Alam mo namang malikot 'yun," sagot naman ni Deus.

Pareho silang napangiti nang maisip ang bunso nilang kapatid na walang ibang gustong gawin kundi ang maglaro pero ayaw na ayaw namang tinatawag na bata.

"Hey, guys, are you ready?" biglang dumating si Cole, nasa likuran nito sina Rifka at Malik na tahimik na nag-uusap.

"Yeah. Always," confident na sagot ni Tiana. She even flipped her hair kaya natawa si Cole sa kaartehan ng kapatid.

"Ang arte talaga nito," bulong nito saka umupo sa tabi ng babae. Napangiti si Deus at napasimangot naman si Tiana.

"On the first month of the school year, seniors are tested. Ito ngang SiBeAe. Tinitingnan ng isang special panel kung deserving bang manatili ang isang estudyante dito sa academy. Kapag nakapasa sila, they can stay. Kapag hindi, they go home," esplika ni Malik habang paupo. He pointed the seat beside Deus kaya doon naupo si Rifka saka ito naupo sa kabilang gilid ng babae.

"Really? So, kapag bumagsak, masasayang 'yung tatlong taon na inilage nila rito sa academy?" gulat na react ni Rifka saka sumulyap kay Deus na tumango naman habang nakangiti.

"Kaya kailangan talagang maging magaling at ipakita ang lahat ng lakas na meron ka. Matalo ka man o manalo, it doesn't matter. The panel will assess your strength depende sa ipinakita mo," si Deus naman ang nagpatuloy sa pag-explain.

"Oh. Nakakakaba naman 'yun," mahinang sabi naman ni Rifka.

"Kabahan ka lang kung alam mong mahina ka," sabad ni Tiana. "Well, in your case, sigurado akong mahina ka pa. Hindi ka pormal na nakapag-aral sa academy na 'to so you have to work double time para makapagtapos ka."

SentryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon