Kabanata 9

22.1K 876 16
                                    

Isang linggo na matapos ang Graduation ball. Hindi na naging usap-usapan si Zec dahil kahit na tinamaan nuya yung mansanas at bulleseye, ang sabi ng mga tao tsamba lang kaya nagawa niya yun. At yun din ang sabi ni Zec sakin, hindi niya daw alam kung pano niya yun nagawa. Nakita lang niya ang pagmumukha ni Rowel at na irita na daw siya.

Di bale, nanalo naman kami ng grocery dahil sa mga tsamba niya.

Sabado nanaman ngayon kaya naghanda na ako papunta sa palengke. Alas singko palang ng umaga kaya nagulat ako nang makita ko si Zec sa mesa at nagka-kape. Agad naman siyang ngumiti pagkakita sa akin.

"Good morning Krisandra." Bati niya at saka humigop ng kape. "Ito kape mo."

"Salamat." Lumapit na ako at umupo sa harap niya at tinaas ang isa kong paa sa upuan ko. Kumuha narin ako ng pandesal na may liver spread, isinawsaw sa kape at saka ko sinubo. Nakatingin lang si Zec sa ginagawa ko.

"Why are you up early? Today's Saturday." Sabi niya habang ginagaya ang ginawa ko kanina. Mukhang nagustuhan niya.

"Yun na nga. Sabado ngayon kaya kailangan kong magbenta sa palengke. Ginagawa ko to pag weekends. Dagdag ipon pangpa-yaman."

"Hindi mo isasama si Kiko?" Tanong niya.

"Hindi na muna para naman makapag pahinga siya at saka makisalamuha sa mga kapwa niya bata. Kahit naman genius at parang matanda na ang batang yun kailangan din niyang makapagpahinga at mag enjoy." Sabi ko at sumubo ulit ng tinapay.

"Can I come with you?" Natigil sa ere ang sunod sanang pagsubo ko dahil sa sinabi ni Zec. Itong inglesero na to? Sus. Pero hindi na niya hinintay ang sagot ko. "Sige magbibihis lang ako."

Tumayo na siya at derederetsong pumasok ng kwarto. Paglabas niya naka-suot na siya ng light blue na t-shirt at pantalon. Binili siya ni Lola Puring ng iba pang mga damit sa ukay ukay. Total naman daw mukhang matatagalan pa dito si Zec.

"Sigurado ka bang gusto mong sumama?" Naglalakad na kami at tulak naming dalawa ang kariton. Halos nakahawak nga lang ako dahil mas malakas siya sakin.

"Yes. I want to experience your job." Tumango nalang ako at tumingin sa daan.

"Alam mo bang dito kita sinakay nung makita kita?" Sa gilid ng mata ko, nakita ko siyang tumingin sa direction ko.

"Talaga?" Tanong ni Zec.

"Oo. Hirap na hirap nga ako. Ang bigat mo kaya! Halos mag thirty minutes ako nun noh, ma-isakay lang kita dito." Napangiti ako. "Kapag binubuhat kita at nababagsak umuungol ko sa sakit."

"Kaya siguro ako nagka-amnesia. Hindi naman siguro dahil sa mga gustong pumatay sakin. Maybe it's because of you." Pabirong sabi niya.

"Hoy, wag mo nga akong pagbintangan diyan. Sobrang bigat mo kaya, tapos mas malaki ka pa sakin." Tinawanan niya lang ako.

"Thanks for saving me." Sabi niya pagkatapos niyang tumawa. Pero nakangiti parin siya.

"Oo na nga. Ulit-ulit ka." Pagbiro ko.

Nagkukwentuhan pa kami ng bigla kong makita si Mang Berting kasama ang alagang si bentong. Nakasimangot siya at parang ang masama ang gising.

"Magandang Umaga ho Mang Berting." Bati ko sa kanya.

"Ikaw pala yan Kriseng." Sabi ni Mang Berting. Ngumiti naman ito ng pilit. Pagkatapos ay nadako ang tingin niya kay Zec. "At sino naman itong lalaking ito?"

"Ah ito po ba? Siya po si Zec. Kaibigan ko. Zec, si Mang Berting ang pinaka mabait na taong nakilala ko." Nagkamayan naman sila.

"Mabait dahil pinapautang kita?" Pabirong sabi ni Mang Berting.

"Mang Berting naman, kayo na nga lang ang pinupuri diyan. Bakit po pala ang aga aga nakabusangot kayo diyan?"

"Eh pano si Elias nagkasakit. Panahon pa naman ng anihan ngayon. Sayang din yung kikitain."

Kikitain? Tiyak may sweldong malaki yun! Kuminang ang buong paligid at parang ang nakikita ko nalang ay pera. Pati mukha ni Mang Berting naging pera na.

"Ah Mang Berting pwede po ba ako nalang ang pumalit kay Elias?"

"Naku Kriseng. Pagagalitan ako ni Puring sayo." Napasimangot naman ako, pero bigla ulit nagsalita si Mang Berting. "Pero kung gusto mo, itong si Zec nalang ang isasama ko. Total mukhang malakas naman ang lalaking to, malaki ang katawan. Marunong ka bang magsaka hijo?"

"A-ako po?" Nauutal na sabi ni Zec at nakaturo pa sa sarili niya. Mabilis naman siyang umiling.

"Hindi bale, matututo ka nalang. Ano hijo payag ka?" Tanong ni Mang Berting.

Parang biglang may bumbilyang umilaw sa taas ng ulo ko. Kapag pumayag si Zec siguradong may sweldo yan. At hindi lang yun, sigurado ding makakakuha siya ng libreng bigas. May pera na, may libreng makakain pa! Hindi na ako nagpakiguy-ligoy pa at sumingit na sa usapan nila. Humawak ako sa balikat ni Zec kahit na mas matangkad siya sakin kaya tumingin siya pababa sa akin.

"Ay naku Mang Berting. Mabilis lang matuto itong si Zec. Kung hindi niya naitatanong ay talagang matalino ang kaibigan kong to. Hindi ba Zec?" Pinanlakihan ko ng mata si Zec at parang hindi naman siya nakahinga.

"H-ha?" Gusto kong batukan ang lalaking to sa sobrang pagka low gets. Ang hina maka pick up. Pasimple akong tumango at pinandilatan siya para ma-gets niya ang sinasabi ko. "Yes—I mean opo. Mabilis akong matuto."

"Good boy." Bulong ko sa kanya. Tinapik ko pa ang ulo ni Zec na parang aso kahit na kailangan ko pang tumilay para maabot yun.

"O siya sige. Tara na hijo para makapagsimula na tayo." Bagsak ang balikat na sumunod si Zec kay Mang Berting. Gusto kong matawa sa itsura ni Zec, para siyang kinakabahan at bibigyang ng sintensyang kamatayan. Nakaharap parin ako sa kanila at hinintay silang makalyo.

"Go Zec, kaya mo yan! Ayusin mo ang trabaho mo para may pangkain tayo!" Sigaw ko nang medyo malayo na sila. Lumingon si Zec at tinitigan ako sandali bago umiling habang nakangiti.

Tumalikod na ako sa kanila at humarap sa daan papuntang palengke at nagtulak ng kariton. Ayos, marami-rami yata ang perang kikitain ko ngayong araw.

"Good morning sun. Good morning birds. Good morning trees." Tumingin ako sa langit. "And good morning aliens!"

"OMG. She's like crazy na." Napalingon ako ng marinig ang boses ni Rhoda. Kasama nanaman niya ang mga ali-pores niya na may bitbit na basket ng mga gulay. Pero hindi parin nawawala ang ngiti ko. Masiyadong maganda ang araw ko kaya kahit na nakakita akong impakta nakangiti pa rin ako.

"Hindi naman Rhoda binabati ko lang kayo." Nagkunwari naman akong parang nagulat at ginaya ang pagsalita nila."Oh sorry, I thought your aliens. Yung mga mukha niyo kasi eh. You're clowns nga pala."

Pinadyak naman ni Rhoda ang isang paa niya sa sobrang inis. Shett, ang hirap magpigil ng tawa.

"Girls lets go. I don't want to make usap to cheap people." Pagkatapos ay naglakad na sila ng mabilis at nilampasan ako. Tumigil muna ako ng mga ilang minuto para makalayo sila ng tuluyan sa akin at saka ako tumawa ng malakas.

•••

AN: Simula ngayon araw-araw na akong mag u-update nito. Kapag hindi ko inaraw-araw batukan niyo nalang ako para maalala ko

I Found a ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon