Chapter 11: Continuation

4 1 0
                                        

Butch POV:

Uuwi na sana ako kaso bigla namang umulan,hindi ako makakauwi dahil nakamotor lang ako at ayoko naman magkasakit.Dapat pala nagkotse na lang ako.Haisshh!? buhay!.

Umupo ako sa sala pero may biglang nabasag sa may hagdanan.Nakita ko duon si Lesh nakatayo at parang gulat na gulat.

Madilim kasi sa part na inupuan ko malamang naduwag na naman ang babaeng yun.

"Lesh what happened?" Binuksan ko ang ilaw para hindi na sya matakot.

"Ouch!" Dahil sa katangahan nya pinulot nya yung basag na baso,Akala ko ba matalino tohh? Anyare nakakita lang ng gwapo nawala na ang pagiging brilliant.

"Kung hindi ka naman talaga isa't kalahating tanga" Kinuha ko yung kamay nya at pumunta kami sa kusina.

Naiwan syang nakaupo sa dining table samantalang ako hinahanap ko ang first aid kit nila.Agad ko ito nakita sa taas ng
Ref pagkakuha ko bumalik na ko agad.

"Akin na yang kamay mo" hindi naman na sya makaangal dahil sa sakit na iniinda nya.Maliit lang naman pero malalim yung pagkakabaon ng bubog.

"Arayyyyyy! Dahan dahan naman,Ang hapdi kaya." Pagmamaktol nya,pilit pa nya kinukuha sa akin ang kamay nya.Kaya yung alcohol na nilalagay ko sala-sala.

"Para kang bata,Hindi ka pa rin talaga nagbabago" Sabi ko pero yung bandang dulo pabulong nalang.Nakita ko na nakakunot ang noo nya kaya napadiin ang hawak ko sa kamay nya.

Ngayon parehas na kaming nakaupo sa couch sa loob ng kwarto nya.Nakatingin lang sya sa labas ng bintana.Ako? Eto parang tanga nakatingin sa kanya---no! May i rephrase that word nakatitig ang tamang term.

"Thank you" Bigla nyang sabi.Mabait parin sya katulad ng dati kaso kung pagbabasehan mo sa expression nya akala mo napakaseryoso.

"Nga pala! Wait lang!" Nagmadali syang tumayo at may kinukuha sa may closet nya.Pagbalik nya meron syang hawak pero hindi ko alam kung ano yun.

"Oh! Heto,sayo ba yan?" Ibinigay nya sa akin yung panyo ko.Kung saan saan ko toh hinanap nasa kanya lang pala.

"Oo,panong nasayo tohh?"

"Naalala mo nung sa bookstore? Nung pag alis mo nahulog mo ata yan" Nagkaayos na nga pala kami about dun sa libro na pinag-agawan namin sa bookstore.

"K" maikli kong sagot sa kanya.Nakatingin parin sya sa akin ganon din ako.Walang kurapan.

"Bakla ka ba?" Out of nowhere nyang sabi,Sa gwapo kong toh bakla ako? Wow as in Wow lang.

Sinamaan ko sya ng tingin dahil sa tanong nya.

"Sorry! Kasi may burda dyan ohh tatlong paro paro,so bakla ka nga?" Pangungulit pa nya.

"Tatahimik ka o hahalikan kita" nag act sya na kunwari ziniper yung bunganga nyang maingay.

"Hindi ako bakla.Kapag ba may nakaburda na paro paro bakla agad?" Tumango sya sa akin at nakangiti ng nakakaloko.

"Remembrance ko tong panyo sa kababata ko.Sya ang nagburda ng mga paro parong yan.Binigay nya ito sa akin nung magmimigrate kami sa France,kahit na ayaw kong tanggapin kasi nga parang pangbabae kinuha ko parin dahil gawa nya ang mga yan at alam kong pinaghirapan nya." Nakikinig lang sya sa akin.

"Since nagmigrate kami nawala narin ang komunikasyon namin sa isa't isa.Wala ng balitaan,walang kamustahan,o kahit ano sa amin.Umuwi ako dito sa pinas pero wala na sila sa dating bahay nila.Hindi ko alam kung saan ko sya hahanapin.Hindi ko nga alam kung kilala pa ba nya ko o matagal na nya kong kinalimutan." Mahaba kong sabi habang nakatitig kay Lesh.

Modern GeekWhere stories live. Discover now