Five Point Three

2.1K 63 1
                                    


HINDI pumasok sa kuwarto si Jane hanggang unti-unti nang nagdilim ang paligid. Nasa labas na siya ng bahay. Nabagot na siya sa sala kaya umikot-ikot na lang siya sa paligid. Natagpuan niya sa likod bahay si Macoy na nag-iihaw ng manok. Kaya pala nakaamoy siya ng mabango. Nakipag-kuwentuhan siya rito. Game naman magkuwento si Macoy sa may accent na Tagalog. Ibinibida nito sa kanya ang magandang kapaligiran sa Sitio.

"Safe ba mag-ikot dito kahit late na?" usisa ni Jane, pinanood niya ang pag-ikot ikot ni Macoy sa inasal na dalawang buong manok.

"Oo naman, Ma'am—"

"Jane," agap niya. "Magiging maid ako ng pasyente ni Inang Malaya. 'Wag mo akong tawaging Ma'am," malungkot ang ngiti niya. "Apo ka pala ni Inang?"

Tumango ang binatilyo na mukhang masayahin. "Ikaw ang mag-aalaga kay Pierre? Ayos 'yon! May makakatulong na ako. 'Wag kang mag-alala, ako ang gagawa ng mga dapat mong gawin pero hindi mo kaya. Kaya ko ang kahit ano, Jane. Magaling ako." kasunod ang magaang tawa.

Natigilan naman si Jane; napatitig kay Macoy. Mali ba ang dinig niya sa binanggit nitong pangalan?

"Ano'ng name ng pasyante ni Inang?"

"Pierre."

"S-Sigurado ka, Macoy?"

"Oo naman," sagot ng binatilyo. "Ilang buwan ko nang inaalagaan 'yon—namin ni Mamay Iya."

"Pierre talaga ang pangalan niya?"

"Oo." diin pa ng binatilyo. "Bakit parang takang-taka ka?"

"Pierre din ang name ni...ng kasama kong dumating."

"Ah, si Sir ba? Pierre din ba ang pangalan niya? Pio ang narinig kong tawag sa kanya ni Mamay. Hindi ko siya kilala. Unang beses ko siyang nakita rito. Ilang buwan pa lang din kasi ako rito. Wala pang isang taon. Mga pitong buwan pa lang siguro. Iniisip ko nga rin kung bakit may kilalang big time si Mamay. May mga bodyguards pa."

Hindi na nagsalita si Jane. Co-incidence lang kaya na pareho ang pangalan ni Pierre at ng pasyente ni Inang Malaya? Ilan ba ang Pierre sa mundo?

Nag-iisip pa rin si Jane hanggang naluto na ni Macoy ang mga manok. Magkakasabay silang apat sa dinner. Mainit na kanin, ginataang malunggay, inasal na manok na niluto ni Macoy at saka fresh na buko ang nasa mesa. Si Macoy din ang nakita niyang naghanda ng buko—binutasan at nilagyan ng straw. Naaliw siya sa galing ni Macoy. All around yata ito sa bahay na iyon.

Tahimik na kumain si Jane, iniwasan niyang bumaling kay Pierre na katabi niya ng upuan. Si Macoy ay katabi ni Inang Malaya. Nagkukuwentuhan ang tatlo habang kumakain. Hindi siya umiimik, tango at tipid na ngiti lang ang reaksiyon niya sa mga sinasabi ni Macoy na napansin yata ang katahimikan niya kaya pilit siyang kinakausap.

"Kumain ka'ng gulay, Jane," si Pierre, walang paalam na nilagyan ng malunggay ang plato niya. Hindi umimik na tinanggap lang niya iyon. "Iniisip ko kung paano ka nabubuhay sa kakaunting kinakain mo," dugtong nito, nilagyan na naman ng manok ang plato niya. Chicken leg ang una. Hindi siya kumibo. Dinagdagan nito ng isa pa. Hindi pa rin siya nag-react. Dinagdagan na naman ni Pierre ng isa pa, ng isa pa at isa pa—nakaawang ang bibig na tiningnan na niya ang lalaki. Hindi ito nakatingin sa kanya kundi sa pagkain.

Ang ginawa ni Jane ay tahimik na nilipat ang mga piraso ng manok sa plato ni Pierre. Isa lang ang itinira niya sa sariling plato. Parang walang anuman na itinuloy ni Pierre ang pagkikipag-usap kay Inang Malaya habang isa isa na namang inililipat ang mga piraso ng manok sa plato niya. Tahimik lang si Jane. Inilipat niya uli sa plato ni Pierre isa isa ang mga slice ng manok—iyon na ang ginawa nila pareho nang mga sumunod na sandali.

Marked Hearts (COMPLETED.Published)Where stories live. Discover now