PAYMENT 9

3.5K 67 7
                                    

Niyakap ko siya mula sa likod. Sininghot ko ang napakabangong amoy niya. This is life.

"Tinulugan mo naman ako, Gray..." malambing na sabi ko sa tenga nito.

Sinilip ko ang mukha niyang payapang natutulog. I pinch his nose lightly, don't wanna wake him up. Baka bugahan ako ng apoy nito pagginising ko siya.

I think that's my hobby pagtulog siya, ang kurutin ang matangos nitong ilong.

Napatigil ako sa ginagawa ko ng bahagya siyang dumaing. Bigla itong gumalaw at humarap sakin. Tumalon ang puso ko ng yumakap ito saakin.

"Mary... I love you..." then he kissed my lips.

Pakiramdam ko ay parang may punyal sa puso ko na paulit-ulit na tinusok. Mary pa rin? Napatawa na lang ako sa naisip ko. Ano pa nga bang aasahan ko? Mahal na mahal niya si Mary.

"I love you, Gray. Mahal na mahal kita. Mula noon hanggang ngayon," mahinang wika ko habang nakatingin sa mukha niyang mapayapang natutulog.

Una ko pa lang siyang nakita nagkagusto na ko sakanya at nalungkot talaga ako nung malaman kong may girlfriend pala siya. I don't know. I just really like him.

Hanggang sa di ko namalayan na mahal ko na pala siya. Masakit isipin na yung taong mahal mo may mahal na iba pero alam kong dun siya masaya kaya sino ba naman ako para humadlang sakanila? I want him happy.

Nasasaktan ako minsan pagnakikita ko silang magkasama pero tiniis ko. Ayokong mahalata nila ang nararamdaman ko. Isa siyang mabait na tao, mapagmahal na boyfriend at maaasahang kaibigan.

He's nice and all. Siya ang eksaktong description ng isang prince charming despite of being snobbish and cursing machine. Napangiti na lang ako ng maisip ang noon. Ang mga kaibigan namin.

Hindi ko maiwasang malungkot ng maisip na galit silang lahat sakin dahil sa kasalanan ng isa pa naming 'kaibigan' na ngayon ay nasa impyerno na.

Nalulungkot din akong isipin na kahit na kay Gray na ang lahat ay di pa rin siya mahal ni Mary. I envy her for having Gray pero inaksaya niya lang at pinagpalit sa isang demonyo.

I don't get her, really don't.

Siguro nakakatanga talaga ang pag-ibig, parang ako lang. Sinaktang na ko't lahat-lahat mahal ko pa rin. Ginawan na ko ng masama, kung anu-ano ng di makatarungang bagay ang ginawa niya mahal ko pa rin siya. Minsan oo, galit ako pero kadalasan ay nangingibabaw ang pagmamahal ko sakanya.

Ang pag-ibig talaga. Nakakatanga.

It brings the best but also the worst of us.

Parang si Gray, he showed me his worst para lang makaganti sakin. Sa pagkawala ng pinakamamahal niyang si Mary.

I suffer a lot. Thinking about the last eight years seems hell. My life is a living hell in Gray's hand.

Naisip niya kayang tama na yun kaya tinigilan niya ko or his preparing me for more pain?

Hinaplos ko ang buhok niya at binigyan ng halik sa noo.

"No matter what happen, I'll still love you."

Kahit ano pang gawin mo mahal kita.

Naalimpungatan ako ng maramdaman kong may humahalik sa bandang leeg ko. I know that familiar scent. I'm sure it's him.

Tumayo ito bigla at dahan-dahan isinara ang pinto. Bakit siya nakapang-alis? Today is Saturday, saan siya pupunta?

Dali-dali akong naligo at lumabas ng kwarto pero hindi ko na siya nadatnan. Bumaba ako ng parking lot at nakita ko siyang paalis na kaya dali-dali akong sumakay sa kotse ko at sinundan siya.

Her DebtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon