Ayoko ng mahalin ka

55 3 2
                                    


naaalala mo pa ba nung sinabi mong  gusto mo ko?
Halos tumalon ang puso ko sa sobrang saya
Dahil sa pag-asang baka posibleng mahalin mo rin ako
Na may pag-asa na magkaroon ng tayo

Kaso nagkamali ako ng akala,
Umasa ako sa matatamis na salitang iyong binitawan
Nagpaloko ako sa bawat ngiti at akbay mo
Naniwala ako sa mga kabutihang ipinakita mo

Pero nasaan ka na ngayon?
Ah. Nandoon ka nga pala sa bago mong kasintahan.
Yung babaeng mahal mo ng sobra
Yung babaeng kahawak mo ng kamay habang naglalakad sa eskwela
Yung babaeng kung tingnan mo ay parang wala ka ng nakikitang iba.

Pero tanong ko lang, bakit sya?
Dahil ba mas maganda sya?
Dahil ba mas mabait sya
o dahil sa kanya ka lang talaga masaya?

Ngayong wala ka na sakin, teka hindi ka nga pala naging sakin.
ngayong tuluyan ka ng maligaya kasama ang binubuo nyong pamilya.
ako? Nandito pa rin, nag-iintay na muli mong pansinin
Kahit sandaling sulyap lang, aking nanaisin
Hindi para mahalin kang muli kundi ilabas ang hinanakit sayo.

Gusto kong magalit sayo!
Gusto kong sisihin ka
Gusto kong sumbatan ka
Pero ano bang karapatan ko? Eh, wala lang naman ako sayo.

Kahit pinaasa mo ko
Kahit sinaktan mo ko
Kahit ginago mo ko
Susubukan kong patawarin ka kahit hindi ka na humingi ng tawad
Susubukan kong unawain ka kahit hindi ka na humingi ng pang unawa
Susubukan kong kalimutan ka kahit sobrang hirap talaga

Pero sa oras na makalimutan kita, please lang wag mo na kong kausapin pa
Wag mo na kong ngitian pa
wag mo ng tingnan pa,
wag mo na kong lapitan pa

Ayoko ng masaktan ng paulit ulit
tama na ang dalawang beses mong pag papaasa sa akin
Ayoko na! Pagod na kong magmukhang tanga
Pagod na akong masaktan
kaya please lang, huli na to!
Ayoko ng mahalin ka.

Inner ThoughtsWhere stories live. Discover now