Chapter 15 : The Reason

242K 12.7K 3.1K
                                    

Hurricane's Point of View

It hurts my pride to admit it but yes I do like that Melchoro freak. He's the first person to ever care for me that isnt blood related. He made me happy kahit na ilang linggo pa lamang kami nagkakilala. I wasnt so sure about what to do considering alam kong simula pa lang alam kong si Puma ang mahal ni Chord but it all changed last saturday when Dilly told me about what really happened.

Nakita ko siyang nakaupo sa malaking swing set na nasa front porch ng bahay namin. Tahimik lang siya habang sina Puma at Chord andun naglalaro ng video games sa sala.

"Hey Dilly are you okay?" Tanong ko sa kanya kasi halata kong napakalalim ng iniisip niya. Para bang malungkot siya. Baka napagod siya sa kakahanap ng bahay namin kanina.

"Oo may iniisip lang" Dilly is weird and uber cheesy but I can tell na problemado siya kaya umupo na lamang ako sa tabi niya.

"Nga pala asan si Chord?" Tanong ko.

"He's visiting an old friend" tipid niyang sagot.

"Ex-girlfriend?" muli kong tanong ngunit tumawa lang si Dilly at napailing.

"You can keep a secret right?" Sa tono pa lamang ng pananalita alam kong seryoso si Dilly.

"Im not a super nice girl but I can keep a secret" 

Tumango siya at ngumiti.

"Nasaan si Puma? Di ba niya tayo maririnig?" Nagtaka ako pero lumingon na lamang ako at pinagmasdan sina Puma at Cooper sa loob ng bahay namin. Sa lakas ng ingay nila at ingay ng video games, siguradong di nila kami maririnig.

"Nope its clear. You can talk" I signalled him.

Napabuntong hininga siya at nagsimulang magkwento.

"Birthday ngayon ni Paulo. Ang kakambal ni Puma" Nagulat ako sa nalaman.

"Teka may Kambal si Puma? Ba't di niyo siya kasama? Teka di ko nabati si Puma" Andami kong tanong. Maganda si Puma for sure super pogi ng kambal niya. Birthday din pala ni Puma ngayon.

"Namatay siya ten years ago. Sa pagkakaalam ni Puma, next month pa ang birthday niya" Napayuko si Dilly. Ngayon alam ko na kung bakit siya malungkot.

Napalingon ako kay Puma na abala parin sa paglalaro. Wala akong makikitang bakas ng lungkot sa kanya. Parang napakasaya niya. Naka-move on na ba siya?

"Puma doesnt know"

"What?!" agad na nakunot ang noo ko.

"Alam ni Puma noon ang nangyaring aksidente. Isang buwan siyang hindi nagsalita. Alalang-alala kaming lahat sa kanya kaya ang ginawa ng mga magulang niya, binura nila ang lahat ng bagay na magpapaalala kay Puma tungkol kay Paulo. Masyadong nasaktan ang pamilya nila pero dahil ayaw nilang mawalan ng isa pang anak, kinailangan nilang ibaon sa limot si Paulo at ituring na lamang na isang panaginip ang buhay niya." Nangingilid ang luha sa mga mata ni Dilly habang kinikwento ito. Sa tingin ko matagal na niya itong kinikimkim.

"And puma bought that? Hindi na niya naalala ang nangyari?" 

"To her Paulo was just a dream. Puma was 6 when it happened, she supressed all of the memories. Mabuti narin 'yon para wag na siyang masaktan." Akala ko noon perpekto ang buhay ni Puma. Hindi pala. Naaawa ako sa kanya. Naaawa din ako sa pamilya nila.

"Ano palang nangyari?" Hindi ko ugaling makialam pero curious lang talaga ako.

"Ako si Paulo at si Chord. Kami talaga yung close noong mga bata pa kami. Sa sobrang close namin parati kaming tumatakas sa mga bahay namin para maglaro o di kaya tumambay kung saan-saan. Isang gabi niyaya kami ni Chord na mag-star gazing malapit sa isang burol. Kaso habang papunta doon, nabangga ang sinasakyan naming jeep ng isa pang sasakyan. Nasa front seat kaming dalawa ni Paulo samantalang si Chord naman nasa likod. Noong gabing yun, nawalan ng kapatid si Puma at nawalan ako ng paningin"

Hindi ko alam pero unti-unti akong naiyak sa kwento ni Dilly. Hindi ako iyakin. Hindi ako sanay umiyak. Ngayon lang.

"Eh si Chord?" 

"Galos lamang ang tinamo niya pero sa kaloob-looban, napakalaki ng tinamo niyang sugat. Sinisi niya ang sarili niya sa nangyari kahit pa alam naming lahat na aksidente lang 'yon. Hindi niya man sabihin, alam kong hanggang nagyon nasasaktan at nako-konsensya parin siya."

Bigla akong napaisip. Hindi kaya naaawa lang si Chord kay Puma o di kaya nako-konsensya lang siya? Baka naman hindi niya talaga mahal si Puma?

Call me assuming. Call me impulsive. Pero nang malaman ko ang nangyari, alam kong pareho kaming dalawa ni Chord. Nalulungkot at nasasaktan. 

END OF CHAPTER 15

Thanks for reading!

Vote and Comment ♥

Chasing HurricaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon