Chapter 16 : Catching Feelings

279K 13.4K 9.8K
                                    

Puma's Point of View

Its been a month. Yes one month. 30 days of weirdness. 

Isang buwang wala akong ibang naririnig kay Chord kundi "Babawi ako next time sasamahan ko muna si Hurri" o di kaya "Kay Dilly ka na muna sumabay". Sila nalang parati ang magkasama. Parang balewala na kami ni Dilly sa kanya. Nakakainis! Ni hindi man lang niya nagawang mag-sorry sa pang-iinjan sa akin. Puro si Hurri ganito! Si Hurri ganyan! Holy mamaw! Kakairita! Hindi naman baldado si Hurri, may cast lang siya sa paa!

Cleaners ako sa araw nato kaya nang matapos dali-dali na akong lumabas ng classroom sa pag-aakalang nandun si Chord sa labas at hinihintay ako kaso wala. Si Dilly lamang ang naroon.

"Tara uwi na tayo" aya sa akin ni Dilly.

"Sasabay ba sa atin si Chord o si Hurri na naman ang kasama niya?" Pilitin ko mang ngumiti di ko magawa. Naiinis na ako sa kanila. Maging si Hurri di din sumasabay sa amin.

"Kahit wala si Chord makakauwi parin naman tayo. Hayaan mo na. Malay mo kapag natanggal yung cast sa paa ni Shane, babalik din si Chord sa dati. Baka tinutulungan lang niya si Shane kasi nakokonsensya siya. Kilala ko si Chord" Pahayag ni Dilly kaya nagsimula na lamang kaming maglakad papunta sa cafeteria. Come to think of it, Nakokonsensya lang ba si Chord dahil siya ang dahilan ng injury ni Shane o may feelings nadin siya kay Hurri? Kasi si Hurri may feelings na sa kanya. Holy mamaw! Nakakalito na ang nangyayari!

"Ba't pakiramdam ko di ka masaya" biglang sambit ni Dilly kayat napabuntong-hininga na lamang ako. Gusto ko mang magmaang-maangan di ko magawa kasi hindi ako marunong magtago ng kahit na anong sikreto sa kanya.

"Minsan nalang nating makita o makasama man lang si Chord. Its like we dont even exist anymore. Si Hurri nalang parati ang kasama at priority niya," Mahina kong sinisipa ang bawat batong madaanan namin. "Sa akin lang dapat siya ganyan eh"

"Diba ito naman ang gusto mo? Maging sila ni Shane?"

Napaisip ako sa sinabi ni Dilly. Tama siya. Ito yung ginusto ko. Ang magkaroon ng girlfriend si Chord para wag akong makasal sa kanya. Pero hindi ko naman inakalang balewala na ako sa kanya oras na nagka-girlfriend siya.

"Puma, hindi habang buhay ikaw ang priority ni Chord. May buhay si Chord." Nakaramdam ako ng matinding kirot sa puso ko nang marinig ko yun mula kay Dilly. Masyado ba akong nasanay kay Chord?

Bigla kong naalala ang sabi noon sa akin ni Chord. Walang forever. Madaming nagbabago habang tumatanda kami. Ito na ba ang pagbabagong sinabi niya? Kung ito nga yon sana wag nalang kaming tumanda.

"Kung hindi dumating si Hurri, close parin kaya natin si Chord?" Hindi ko mapigilang mapatanong. Hindi naman sa ayaw ko kay Hurri, mabait na nga siya ngayon kumpara noon. Ang sa akin lang kasi, magmula nang aminin niyang gusto niya si Chord ay parati na lamang niyang inilalayo si Chord sa amin. Gusto niya parati na silang dalawa lang ang magkasama. Nahahalata ko sa bawat kilos niya. Pati nga sa cafeteria gusto niya parati na dun sila umupo ni Chord sa pangdalawahan lang na table. Si Chord naman hindi umaangal. 

"Puma wag mong sabihing nagseselos ka?"

Natigil ako sa paglalakad. Kung ide-deny ko may magbabago ba sa nararamdaman ko ngayon?

Chasing HurricaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon