Chapter 182

761K 28.6K 24.5K
                                    

A/N: NO EDIT!

Update po ng scoring ng games natin sa fb group.

Update po ng scoring ng games natin sa fb group

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sa mga hindi po nage-gets... Meron po kaming simpleng laro sa fb group. Pwede po kayong mag-join. 😊😊😊

Bridge

Jay-jay's POV

Marahan ang bawat hakbang. Parang ninja at dapat walang makakita. Nagkukubli sa dilim at halaman. Kaylangan walang makapansin.

"What are you doing?" Tanung sakin ng Hari.

Tinignan ko sya sa tabi ko. Nakatayo sya kung saan madali syang makikita ng kung sino. Samantalang ako, mala-ninja sa pagtago.

"Wag ka tumayo dyan. Baka may makakita sayo."

Camouflage men!

"Jay... It's midnight. Tulog na lahat ng tao."

May point sya don. Sino nga namang gigising ng ganitong oras----except samin. Saang lupalop ba kasi ang punta nung Yuri na yon.

Napatingin kami sa hall ng makakita kami ng liwanag. Maliit lang yon at mistulang galing sa maliit ng flashlight. Meron din tila salamin na nagreflect sa liwanag

Gumalaw yung ilaw at dun lang namin nakita kung ano yon. Galing sa cellphone ang liwanag at yon ang hawak ni Yuri para liwanagan ang daan nya. Samantalang salamin naman nya ang mukang nagreflect sa ilaw kanina.

"Ayun si Yuri." Bulong ko at akmang susundan sya pero hinawakan agad ako ni Keifer. "B-bakit?"

"Masyadong malapit. Hintayin mo syang makalayo."

Ginawa ko naman ang sinabi nya. Daming alam nitong Hari ng mga Ulupong. Kusa din syang lumakad ng masiguro nyang okay na ang distansya namin.

Dumiretso sya sa likod ng hall kaya dun din ang punta namin. Isa lang ang naiisip kong pwede nyang puntahan don. Yung pala-isdaan kung saan may tulay papunta sa Gazibo sa gitna non.

Hindi nga ako nagkamali, hindi pa kami nakakalapit nakita na namin si Yuri at.... si Ella?

Napatingin ako kay Keifer pero wala syang reaksyon. Mabilis syang humanap ng pwede naming pagtaguan malapit sa pwesto nila.

Sa makapal na halamanan ako pilit pina-pwesto ng Kumag. Samantalang sya nakatayo sa likod ng puno. Tinignan ko sila Yuri pero mukang walang nagsasalita sa kanila.

"Anu bang kailangan mo?" Pambasag ni Yuri sa katahimikan nila. "...Alam ba ni Aries to?"

Umiling si Ella. "G-gusto lang talaga kitang maka-usap."

Para saan?!

'Yuri deserves to know the truth.' --Ella (Chapter 174)

Eto naba yung pinag-uusapan nila ni Mica sa banyo? Magkikita daw sila. Ibig sabihin, eto nga yon. Pero anu yung Truth na yon? Tungkol saan yun? Nangangati din akong malaman kung anu yon.

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon