ANG BABAE SA HAGDAN

2.8K 30 1
                                    

Kwento lang 'to sakin nong kaklase ko nong HS. Bigla ko lang naalala. Sa bahay po kasi nila maraming spirits kasi luma na 'yon at sobrang laki. As in, ang lawak talaga. May sarili ngang library 'yon e. At one time na nagvideo kami don kitang-kita namin don sa video na don sa pinto nilang salamin sa library, may dumaan na babaeng nakasaya. Takot na takot kami non e. As, dahan-dahan ang paglalakad kaya kitang-kita namin 'yong paa at saya. Grabe! Pero hindi talaga 'yan 'yong kwento ko.

Isang gabi daw na nauhaw si Lesly, bumaba sya ng first floor. Nagising daw sya sa hindi malamang dahilan kaya napagpasyahan nyang uminom tutal naman daw nauuhaw sya. Pumunta syang kusina at kumuha ng malamig na tubig sa ref. Bigla daw syang may narinig na langitngit sa may hagdan. Akala nya daw e daga lang kaya tiningnan daw nya at nahulog nya daw 'yong baso nong makitang may gumagapang pababa na babae sa hagdan. Ang nakakatakot pa don, nakatihaya itong gumapang pero 'yong ulo nya nakaharap sa kanya. Naiimagine nyo? Yung parang bali ang ulo. Nakabaligtad. Yung ulo nya e nakaharap sa likod. Para daw si sadako ang hitsura. Hindi daw sya makakibo non e hanggang sa nawala na lang daw sa paningin nya 'yong babae. Takbong-takbo daw sya pataas non at nagtalukbong ng kamot pagkahiga nya. Di nga daw sya halos nakatulog non at iyak lang sya ng iyak. Ngayon e, sanay na si Lesly sa mga multo sa bahay nila. Di na daw sya natatakot.

Psychologist

SPOOKIFYWhere stories live. Discover now