Chapter 32

676 62 53
                                    

Angela's POV

"Bakit mo pinatay sina Channel Jeon at Jeon Jungkook? Chineck naman namin ang background mo at wala namang atraso ang pamilya namin sa'yo."

Nasa interrogation room kami ngayon at nasa harap namin ni Jodi si Blake. Walong oras na ang nagdaan nang umamin sa'kin si Blake na siya nga ang pumatay kina Jungkook.

Ngumisi siya ng kaunti pero hindi niya ako sinagot.

"You have the nerve to smile?" Gigil na tanong ko sa kanya. Puta, mukha ba 'tong nakakatawa sa kanya? "Answer me, Blake."

"Ayoko sanang sagutin ang mga tanong mo dahil alam kong masasaktan ka lang. 'Wag mo nang alamin, Angela. I'm willing to admit to the crime. Pwede niyo na akong ikulong."

"I don't fucking care if your reason would hurt me. Matagal na akong naghihirap, Blake, and I've been strong ever since."

His grin grew wider and he gently tapped on the table, "For no reason, actually.  It's just that sa tuwing pumapatay ako ng tao, the strong feeling of pleasure would surge through my whole body. Ang sarap sa pakiramdam na makapatay ng tao."

I looked at his eyes as he says those things. I have never been good at reading people's actions but I can assure that everything he's saying right now looks like a practiced speech. It looks unnatural.

"Sigurado ka ba sa mga sinasabi mo?"

Tinaasan niya ako ng kilay sa tinanong ko. "Oo. Bakit, hindi ka ba makapaniwala na ang taong pumatay sa pamilya mo ay kakilala mo? O hindi ka makapaniwala na pwedeng pumatay ang isang tao ng walang rason? Those kind of people exist in the society, Angela."

"No, they don't." Madiin kong sabi. "Every murderer has a story. One cannot be a murderer overnight. There's always a reason kung bakit pumapatay ang isang tao. And if they do exist, kagaya ng sinasabi mo, bakit ang pamilya ko ang natripan mong patayin? There has to be resentment. Kung trip mo lang talaga pumatay, you should have just killed my brother. Pero bakit sinunod mo si mama? Si Jullia at ang papa ko?"

Saglit siyang natahimik at saka napaiwas sa akin ng tingin.

"Ano, hindi ka na makasagot? Kung ganoong klaseng mamamatay tao ka talaga, edi sana random ka lang papatay ng tao. Wala kang pipiliin. Kasi nga diba, you just kill for pleasure? Sagutin mo nga ako, Blake. Ano ba talaga ang kasalanan ng pamilya ko sa'yo? Or a better question is, ikaw ba talaga ang pumatay sa pamilya ko?"

"Bakit hindi niyo nalang ako ikulong?" Sabi niya sabay rolyo ng kanyag mga mata. "You already have me here. You found an evidence and I admitted to the crime. Why not close the case nang matapos na 'to?"

"Sino ba ang pinoprotektahan mo, Blake?"

Saglit siyang natahimik at saka nanlaki ang mga mata niya. "Ano?"

"Bakit umaamin ka sa kasalanang hindi mo naman ginawa?"

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko at saka bahagyang natawa. "Ano bang pinagsasasabi mo? Hindi ka ba talaga makapaniwala na ako ang pumatay sa pamilya mo? Eto na nga oh! May ebidensya na. Umamin na ako. Ano ba ang pinaglalaban mo?"

"Lumapit sa akin kanina ang mga kasamahan mo sa trabaho. They provided an alibi for you para maligtas ka. They're claiming that maybe you're framed kaya sinabi nila sa akin kung nasaan ka sa mga estimated time na nangyari ang pagpatay kay Jungkook. Ang sabi nila, noong September 1 ng gabi, around 10pm, nagkaroon kayo ng team dinner at pumunta kayo sa isang restaurant para kumain at uminom. Around 2:30am, habang halos lahat kayo ay lasing na, isa-isa nang umuwi ang mga kasamahan mo pero ang isa doon, sinama ka pauwi sa kanyang bahay dahil ayaw mong magising. May CCTV footage rin kami ng bahay niya kaya alam namin na magmula noong 3am na dumating kayo doon sa bahay niya ay hindi ka talaga umalis until 11am."

Who Killed Jeon Jungkook?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon