[P.D] CHAPTER 7: GOOD NEWS

336 22 1
                                    

K  I  R  O

Nakatambay ako ngayon sa isang mini mart pagka-alis ko galing sa cafe. Hindi muna ako diretsong umuwi dahil medyo maaga pa naman. Maya-maya, natanaw ko si Khalia sa di kalayuan.

"Oh hi! Nandito ka rin pala." bati niya sa'kin at nginitian ko siya. Umupo siya sa upuan na nasa tapat ko.

"Kamusta na 'yung report mo?" tanong ko sa kanya.

"Ayos na ayos. Naka-usap ko na din yung CEO." nakangiti niyang sabi.

"Buti naman." nakangiting sabi ko sa kanya.

Gusto ko siyang tanungin about dun sa ARMMORPG kaya lang hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Napatingin siya sa'kin at tinaas niya ang dalawa niyang kilay. Kanina pa pala ako nakatitig sa kanya, hindi ko lang napapansin.

"Ah, alam ko na 'yang nasa utak mo." sabi niya. "Gusto mong malaman ang tungkol sa Phantasia Dominum no?" tanong niya.

"O-oo! S-sana?" bigla kong sagot.

"Hahaha! Sabagay, para sa mga gamers kasi, nakakamiss din maglaro ng VR kasi nga ilang taon naring na-banned. Pero iba 'to tol. Isang ARMMORPG." sabi niya.

"Gamer ka rin ba?" tanong ko sa kanya.

"Nah, hindi masyado. Di ko naman kasi hobby at madali akong ma-bored." sagot niya.

Kaya pala hindi niya alam ang tungkol sa FWO. Ni hindi niya man lang kasi nabanggit sa'kin ang tungkol dun. Hindi man lang din kasi siya nagtanong.

"Wala pa akong masyadong alam dun kaya sasabihin ko nalang sa'yo kung ano 'yung mga nalalaman ko." sabi niya at tinanguan ko siya.

"Ang Wallhaven Inc., which is 'yung company na pinuntahan natin kanina ay maglulunsad ng panibagong laro. Ito ay nagngangalang Phantasia Dominum. Hindi na ito isang VR kundi isa na itong AR. Hindi ka na naka-stay sa iisang posisyon lang habang suot ang gagamiting game device dito. Ang device na gagamitin ay light lang. Hindi sagabal at hindi mabigat. Dito sa AR na 'to, maigagalaw mo ang katawan mo ng malaya." sabi niya. "ARMMORPG means 'Augmented Reality Massively Multiplayer Online Role Playing Game. Haba no? Nakakabulol." natawa ako ng bahagya sa sinabi niya.

"Anong ibig sabihin ng augmented?" tanong ko sa kanya.

"Ano, meaning mas pina-enhance, mas lalong pina-intensify. Mas lalong pinaganda 'yung mga makikita mo sa kapiligiran mo." paliwanag niya.

Wow, exciting naman pala talaga 'to! Hindi na ako makapag-hintay na masubukan 'to.

"Anong klase ng device ang gagamitin?" tanong ko.

"Ginagamitan ito ng Oculus Rift na tinawag nilang Augere Videre which means Augmented Vision in english. Bale dalawang device ang gagamitin mo. 'Yung isa ay parang headphones na may antenna. 'Yung antenna ay for receiving data, at magiging transparent ito once na suot mo na ito. Kaya parang wala lang din." sabi niya. "'Yung isa naman ay maihahalintulad mo sa contact lenses. 'Yun naman ay para sa vision." dagdag niya.

Alam niyo yung speechless ako? Grabe ang tagal bago magkaroon uli ng isa nanamang kamangha-manghang laro katulad nito. Hindi na talaga ako makapaghintay!

"Alright, 'yan lang ang masasabi ko. 'Yan lang kasi ang alam ko." sabi niya.

"Sobrang rami na ng information na 'yan Khalia. Maraming salamat." sabi ko sa kanya.

"Sige." sabi niya at napatingin siya sa akin. "Ay nga pala, kailangan ko na palang umalis. May aasikasuhin pa kasi ako." sabi niya at dali-dali siyang tumayo pero pinigilan ko siya dahil may gusto pa akong itanong.

PHANTASIA DOMINUM: Rise Of The Forgotten WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon