[P.D] CHAPTER 9: THE PROJECT'S COMPLETION

297 23 1
                                    

A  S  H  E

Hindi maalis ang mga ngiti sa labi ko. Pakiramdam ko lumulutang ako. Parang sa isang iglap, nakalimutan ko lahat ng gawain ko. Nakalimutan ko ang pagod ko. Umakyat na ako sa kwarto at dumiretso agad sa drafting table ko.

Ngayon ko lang nabigkas ang tatlong mahahalagang salita na 'yun sa kanya.

Ang saya. Ang saya-saya. Walang bahid ng anumang pagsisisi ang nararamdaman ko nung sinabi ko sa kanya ang mga katagang iyon. Na-inspired tuloy akong gumawa ngayon. Parang lalo akong ginanahan na magtrabaho.

"Hmm... nasa cloud 9 lang ang peg?"

Napatingin ako sa pader na nasa harap ko. Bakit parang may narinig akong nagsalita?

Nah. Baka naman guni-guni ko lang 'yun. Ako lang naman ang tao dito.

"Hmm. Nevermind." bulong ko at bumalik na uli sa pag-ngiti.

"Ganyan ba talaga ang lumalablayp? Nasisiraan ng utak?"

Napatingin uli ako sa pader.

"Ako lang ba 'to o kinakausap talaga ako ng utak ko?" tanong ko sa sarili ko at inalog-alog ko ang ulo ko.

"Hey there, girl in love." biglang bigkas ng babae sa tabi ko kaya naihagis ko ang lapis na hawak ko. Napa-iling nalang ako habang natatawa. Akala ko nababaliw na ako hahaha!

Teka, bakit nandito 'tong babaeng 'to?

"Hiling, anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.

"Nakalimutan ko kasi yung teddy bear ko. Si Silvie, 'yung favorite stuffed bear ko na binigay sakin ni Silver. Bumalik lang ako dito para kuhanin 'to." sabi niya sa'kin.

"Ah." sagot ko naman sa kanya at bumalik uli sa ginagawa ko. Nilamon ulit ako ng kasiyahan at nagpangalumbaba.

"Ang eksenang natunghayan ko kanina ay rated SPG. Striktong patnubay ang kailangan. Maaaring may maseselang eksena, na katulad ng kanina na hindi angkop sa mga bata." sabi ni Wish kaya napatingin ako sa kanya.

"Huh? Ano bang pinagsasabi mo?" takang tanong sa kanya.

"Nakita ko 'yun." sabi niya sabay ngiting aso.

"Huh? 'Yung ano?" taka kong tanong ulit sa kanya.

"Yung 'I love you t--" hindi pa man niya natutuloy 'yung sasabihin niya , hinampas ko siya ng maliit na unan na malapit lang sakin.

"Hoy!" sigaw ko sa kanya.

"Hahaha! Puma-pabebe ka na Ak ah! I love you too daw hahaha!" pang-aasar niya.

Ang saya niya no?

Kinuha ko si Silvie na kanina lang ay hawak niya. Yumuko ako at pinulot ang lapis na naibato ko kanina. Itinuro ko ang matulis nitong lead sa leeg ni Silvie at ngumisi sa kanya. Unti-unti kong inilalapit ang matulis na lapis sa leeg ni Silvie.

Wag kayo mag-alala, di ko naman tutuluyan si Silvie haha!

"Waaah yandere! Yandere! Ibalik mo sa'kin si Silvie ko!" sabi niya.

"Eh? Ano kamo? Ibalik ko?" sabi ko in scary tone. Tumango-tango siya. Parang maluluha na siya eh hahaha! Para siyang bata. As always naman hayayays.

"Sige. Pero hindi ka na mang-aasar ah? Mag-promise ka." sabi ko uli in a scary tone.

"P-promise..." sabi niya at ibinigay ko na sa kanya si Silvie.

PHANTASIA DOMINUM: Rise Of The Forgotten WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon