[P.D] CHAPTER 10: THE BREAKING NEWS

373 23 4
                                    

A  S  H  E

Dalawang taon na rin ang lumipas nang matapos ko ang proyektong pinagawa sa'kin ng Wallhaven Inc. Sunud-sunod ang mga projects na dumating sa'kin pagkatapos nun. Dahil doon, nakapagbakasyon kami ni Wish sa Japan. Matagal na kasi namin iyong pinaplano at nabigyan kami na ng pagkakataon kaya di na namin iyon pinalampas. Parehas kasi naming pangarap 'yun ni Wish at masaya ako dahil natupad namin iyon.

Halos kauuwi lang din namin at nandito kami ngayon sa tambayan. Alas siyete narin pala ng gabi. 

"Eto naman ang sa'yo." sabi ni Wish habang ina-abot niya ang pasalubong niya kay Silver.

"Thank you." nakangiti niyang sabi sabay pisil niya ng ilong ni Zeth. Namula naman siya agad.

"Ehem." singit bigla ni Kuya Carl. Pagkasabi niya nun, parehas na napatahimik yung dalawa.

"A-anong thank you? May bayad 'yan no!" sabi ni Wish kay Silver. Hindi talaga sila marunong maghandle ng sweetness nila haha! Mapansin lang, nagwawala na.

Ang kukulit!

"Ano?! May bayad?! Grabe ka naman!" sagot ni Silver sa kanya.

"Oo no. Wala ng libre sa mundo!" sabi ni Wish.

"Kala ko ba pasalubong tapos pinapabayaran mo? Kailan pa nagkaroon ng bayad ang pasalubong? What the heck!" sabi ni Silver.

"May sinabi ba akong pasalubong? Sinuswerte ka ah!" sabi ni Wish.

"Aba at! Hindi ko babayaran 'to!" sabi ni Silver.

"Edi ibalik mo! Akin na nga!" sabi ni Wish.

"Ayoko!" - Silver

"Akin na sabi eh!" - Zeth

"A.YO.KO. TULDOK!" - Silver

At nagtalo nanaman po sila. Ganyan nila ipakita ang pagka-miss nila sa isa't-isa. Hay nako naman. Napatigil nalang sila sa pagtatalo nang biglang makuha ang atensyon namin ng balita sa tv.


[News Reporter: Nandito po tayo ngayon sa harap ng pinaka-sikat at pinakama-impluwensiyang company sa bansang ito. Hindi lamang po sa bansang ito, kundi maging sa buong mundo. As you can see po, punung-puno ng mga media galing sa iba't-ibang bansa dahil nagpatawag po sila ng press conference para sa mahalagang bagay na ia-anunsiyo nila sa mga tao. Ang kompanya pong ito ay maglulunsad ng isang kakaibang proyekto na talaga namang ikamamangha nating lahat.]


"Wallhaven Inc. 'yan ah." sabi ni Clyde.

"'Yan na ba 'yun? Talaga ba? Totoo na ba 'to? Waaaah!" hindi magkamayaw na sabi ni Wish.

"Excited na ako!" sabi naman Silver.

"Ang dami ngang media. Malakas ang kutob ko na ire-release na nila ang bagong ARMMORPG sa buong mundo." nakangiting sabi ni Kiro.


[News Reporter: Alam nating lahat na matagal na ring hindi nakaranas na makapaglaro ang mga tao, lalung-lalo na ang larong tinatawag nilang VRMMORPG, dahil sa nangyaring trahedya ilang taon na ang nakalipas. But FWO is already done and the Wallhaven Inc. is here to announce the birth of a new game. Ang bagong laro na sigurado namang kahuhumalingan ng lahat.]


[Spokesperson: Please welcome, the CEO of Wallhaven Inc., Ms. Alpha Wallhaven and his son, Mr. Ward Caleb Wallhaven.]

PHANTASIA DOMINUM: Rise Of The Forgotten WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon