Chapter 35 - Epilogue

1.1K 75 134
                                    

Mikaela's POV

"Aalis ka na ba?"

Tumango si Xander at saka tumayo. "Oo, pupuntahan ko na si Jodi. Ikaw ba? Gusto mo bang sumabay?"

"Sige."

Sumakay na kami sa kotse niya at saka umalis na. Tahimik lang ang naging byahe namin. Minsan may sinisingit kaming tungkol sa trabaho pero yun lang yun. It's not that we're uncomfortable with each other but it's better to be silent for now.

Pagkalabas namin, napansin kong may bouquet pala siya ng mga bulaklak na dala-dala. Bahagya akong napangiti at saka nagsimula nang maglakad.

Papunta sa puntod ni Jodi.

It's Jodi's first death anniversary. Isang taon na mula noong namatay si Jodi. Isang taon na magmula noong nahuli namin sina Angela, Francis, at Jimin. Isang taon na magmula noong nasarado na namin ang kaso ni Jeon Jungkook.

As for Angela, she's imprisoned for killing Choi Jodi. Kasali rin sa mga kaso niya ang obstruction of justice dahil tinago niya ang nalalaman niya sa pagkamatay ng kanyang kapatid.

For Francis, he was imprisoned for killing Jeon Jullia and Jeon Alfred. Siya ang inutusan ni Jodi para patayin ang dalawa. He was sentenced into life imprisonment.

Kay Park Jimin naman, kinulong siya sa kasong pagpatay kay Jeon Jungkook. Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa noong ininterrogate namin siya. Agad niya nang inamin ang kanyang kasalanan.

Ayon sa kanya, habang nageensayo siya ng routines niya sa practice room, sinabihan niya si Seokjin na makipagbati na siya kay Jungkook. Alam ni Jimin na hindi maganda ang relasyon ng dalawa kaya ginamit niya si Kim Seokjin pang distract kay Jungkook.

Nang matapos na siya sa practice niya, agad niyang pinuntahan si Jungkook. Mukhang inis na inis daw ito sa kung ano man ang napag-usapan nila ni Jin. Nagpanggap siyang dinadamayan niya ito hanggang sa sinimulan niya na itong saksakin. Habang nagmamakaawa si Jungkook ay nilakasan niya ang speakers para matabunan ang ingay na ginagawa nito. Naalala niya ang lahat ng napagdaanan ng pamilya niya sa kamay ng mga Jeon at wala sa isip niyang pinagbabaril si Jeon Jungkook.

Nang tinanong ko siya kung pinagsisihan niya ba ang ginawa niya, ang sabi niya hindi. Tama lang raw ang nangyari sa mga Jeon. I did not question him any further.

Kay Blake Mendoza naman, kinulong parin namin siya kahit na hindi naman talaga siya ang pumatay. He was imprisoned for fabricating evidences at dahil na rin pinagtakpan niya ang ginawa ng totoong pumatay. Just like Angela, he was charged with obstruction of justice. He accepted his fate willingly.

Si Jodi naman, namatay dahil dumeretso ang bala sa kanyang baga. Sinubukan siyang buhayin ng mga doktor pero hindi na siya umabot.

Kami naman ni Xander, we were both given awards and were promoted after the case was finally solved. Xander, from being a senior inspector, he was promoted to superintendent. While I was just a detective or an inspector before, I now became a senior inspector. Malaki ang trabahong kayang ibigay sa akin dito sa South Korea kaya napagdesisyunan kong dito nalang muna ako titira. Nagkabati na rin naman kami ni mama at nangako siyang aalagaan niya ng maayos si Nadine sa Pinas.

As for the other members of Bangtan, they pursued different things and went to different paths although I know they still contact each other.

For Kim Taehyung, nag-aaral siya ngayon while also working for their business. He also had a few small acting projects here and there. It took him awhile to be what he was like before matapos niyang malaman na nakulong si Angela dahil may kasalanan din siya. Poor kid. He's now fine, though.

Who Killed Jeon Jungkook?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon