Chapter 77: Three is enough

2.1K 76 5
                                    




~*~













(Frank's POV)








Hinayaan ko munang magpahinga ang mga binatang iyon sa isang liblib na silid sa palasyo. The King wouldn't mind though, pero ibang usapan na ang mga katulong rito.

Napagdesisyunan kong bumaba muna papunta sa aking ama kung saan madalas syang gumagawa ng makapangyarihang mga sandata gamit ang mga itim na damdamin ng mga mages rito sa mundo. Bakit nga ba sila nataguriang itim? Dahil may matibay na poot sa kanilang puso.....at bakit ako naiiba? Sapagkat ang puso ko ay hindi nabibilang, ang puso ko'y malinis kumpara sa kanila. Ang aking puso ay nasa pagitan ng dalawang kampo. Ang aking katapatan ay nasa aking bayan ngunit ang aking puso ay kabilang sa kalaban.

Mahirap ba intindihin? Pwes......mahirap ipaliwanag.

"Anak."

Napangiti ako ng makita ko kung paano napangiti ng matamis ang aking ama bago tumungo papunta sa akin.

"Ikaw talagang bata ka kung saan saan ka pumupunta. Diba sinabi ko na sayong tulungan mong mag-alaga ang hari sa kanyang anak?" Sermon sa akin ni ama bago nya ako bigyan ng isang mahinang hampas sa aking ulo.

Seryoso? Nananakit sya ng bata. Tss.

"Kakaalis ko lamang ho roon. Hinahanap na kasi sya ni Cashmere kaya pinuntahan ko ang hari sa silid parusa."

Agad din akong napatakip ng aking bibig nang mapagtanto ang aking sinabi.

"S-Silid parusa?" Pag-uulit nya.

Mariin ko na lamang na nakagat ang aking ibabang labi. Hindi ko rapat sinabi ang gayong bagay, dahil tyak na malalaman rin nya kung anong mayroon sa mga bwisita.

"Anong ginagawa ng hari sa silid na iyon?"

Hindi dapat ako madulas. Hindi ko dapat sya sagutin sa kanyang katanungan. Huhuhuhu. Patawad ama.

"Ayaw mong sagutin ang aking tanong Jefferson."

Mukhang mahihirapan ako rito. Ginamit na nya ang pangalan kong iyon. Can I say some bad languages?

"Frank Jefferson Ice." Madiin at may pagbabanta nyang sambit.

Napapikit na lamang ako. This is torture........for a kid like me.













~*~
















(Patrick's POV)





Tahimik lamang akong nakikipagtitigan sa kisame. Seriously dude? This is hilarious!

"I'm not crazy I'm just......" Pakantantang sambit ni Matthew habang sinasabayan ang aking pakikipagtitigan sa kisame.

We're hopeless. Mapagkakatiwalaan ba talaga ang batang yun?

"I can't think properly anymore guys." Wala sa sarili nang sabi ni Matthew.

He's not alone you know.

"Me too."

Nagulat ako sa pagsang-ayon ni Cap. Pati ba naman sya? Jusko. Wala na talaga kaming pag-asa.

"Chill guys. We just need to fulfill our missions and tasks here.......and we will definitely go back." Pampapalubag loob ko sa kanila.

Sabay sabay kaming napabuntong hininga. Paano nga pala kami magsisimula kung sa umpisa pa lang nasa teritoryo na kami ng aming kailangan?

Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon