Chapter 189

795K 30.2K 20K
                                    

A/N: NO EDIT!

The Prince

Aries's POV

"...Umalis kayo! Alis!" Pagtataboy ng teacher kila Keifer at sa mga kaklase. "...Mga batang to! Nag-hahanap lagi ng away!"

Umalis ang mga Section E pero iniwanan ako ni Keifer ng masamang tingin. They interupt our class just to humiliate Jay-jay. How stupid!

Lumabas ang teacher namin. Sure akong didiretso sya sa guidance para ireport ang nangyari. Naiwan kaming lahat na naka-tingin lang sa pinto.

"You don't need to say those words, Aries!" Galit na sabi ni Ella.

Hindi ko sya pinansin. Hindi pa kami ayos pero kung pagsalitaan nya ko parang sya na ang masusunod.

"Kawawa naman si Jay-jay."

"Halatang may masakit sa kanya."

Dinig kong bulungan ng mga classmate ko. Napansin ko din yun, the way Keifer hold her... Parang ang sakit-sakit na sa kanya. I ignore it because i don't want to show any sympathy.

"Uy... Aries. Bakit mo naman ginanon yung pinsan mo?" Parang bata na sabi ni France---one of my classmate. "...Nakita ko kaya yun kanina. Binundol nya yung track."

Binundol nya ang Track? Sya pa talaga ang bumundol sa Track.

"Magbabalita ka lang baliktad pa." Sabi ni Mykel habang pinagtatawanan sya.

"Hindi! Kasi nakahinto na yung Track, tapos sya tuloy-tuloy pa rin sa bike tapos yun. Booogggghhh!"

Kaya ba ganun ang itsura nya? Kaya ba parang hirap na hirap sya? What the hell Jay?!

"You should check your cousin." Utos ni Ella habang katabi si Mica na nakatingin din sakin.

"Wag mo kong utusan." Maotoridad na sagot ko.

Ramdam ko ang pagtingin ng buong klase sakin. Ngayon lang nila kong narinig na nagsalita ng ganito kay Ella. Wala naman kasing nakaka-alam na nag-away kami o mas tamang sabihin na naghiwalay na kami.

After all this time. Still him...

"Ella is right." Biglang sabi ni Freya habang patuloy sa pag-nail filing. "...I heard nagkakagulo ang Section nila. Isunugod daw sa ospital si Harington."

Seriously? What is wrong with their Section? Malakas na naman ba ang topak ni Keifer? Bakit wala man lang ginagawa si....si Yuri?

Malakas ang naging buntong hininga ko. Lumabas ako ng room at dumiretso sa hagdan. I don't have any plan on checking Jay-jay. Why should I?

Yeah... Why should I?

Dumiretso ako sa rooftop kung saan madaling makita ang building at room nila. Nasa labas yung iba, samantalang parang may nag-aaway naman sa loob ng room.

Tinignan ko yung paligid malapit sa mismong room nila. Hindi ko makita yung bike ni Jay-jay----infact i don't see her at all.

Kinuha ko yung phone ko sa bulsa. I dial Kuya's number.

["Is anything wrong?"] Bungad nya sakin.

"None."

["I thought something bad happen to you."] Ramdam ko ang pag-aalala sa tono nya.

Hindi ko sya masisisi, ipinagpilitan ko kasi ang pag-labas sa ospital. Ayoko don! Marami akong naaalala kapag nasa ospital ako. Kapag nakahiga ako sa hospitla bed at may nakaka-kabit na swero.

Ang Mutya Ng Section E (Part Two) The Dark SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon