First Letter..

1.1K 19 3
                                    

April 21.

Dear Jake,

         Kamusta ka na? Okay ka lang ba? HIndi mo ba pinapagod ang sarili mo? Sana okay ka lang. Sana nasa mabuti ka'ng kalagayan. Sana hindi ka nagpapagod. Kasi kahit wala na ko sa tabi mo.. Ayoko pa ri'ng may mangyayaring masama sa'yo. Lagi ka'ng mag-iingat ah? Babatukan kita kapag hindi ka nag-ingat sige ka. :)

        Haaaay. Naalala mo ba nung naging tayo? Ako? Lagi yun nasa isip ko. Di ko kasi makalimutan. Ang saya ko kasi nun. Masaya ako nun dahil akin ka na. Sa'akin kasi, napaka-imposible nun eh. Para ba'ng kapag tinatanong ko ang sarili ko na..

       Kelan ba magiging kami? 

       Kapag tumahol ang pusa? Kapag nag-meow ang aso? Kapag lumipad ang baboy? Kapag kinain ng daga ang pusa? Kapag nabuhay si Rizal? Kapag naging ginto na ang tubig? Kapag naging si Noynoy na at Gloria? Kapag nagsalita na ang ipis? 

        Oh di'ba? Napaka-imposible talaga. Ikaw kasi eh! Ang layo mo. Di kita ma-reach! Ang tangkad mo kasi eh! Ang liit ko lang! Hindi balanse. Ang layoooo. At isa pa. Ang dami ko'ng kaagaw. Kapag nagsama-sama kami. Wala ako'ng iaangat. Lubog na lubog ako sakanila.

         Pero, eto nga, nangyari na ang bagay na akala ko ay imposeble at di na mangyayari. Naging tayo. Ano nakain mo? Ginayuma ba kita? Tinamaan ka na ba ni Kupido? Inantok ka ba? Nilason ba kita? Kasi kahit ako, di ko alam kung paano nangyari yun eh. Pero, kahit na anuman yun, masaya pa din ako. AKALAIN MO? TAYO NA? :) 

         Sana di mo ko sasaktan. Kasi, di ko kaya eh. Baka magwala ako dito. Baka maging monster ako kapag nangyari yun. Baka mabaliw na ko.

          Pero eto na nga, 

Sinaktan mo pa din ako.

Niloko pa nga eh.

At iniwan pa. 

         Asan na yung forever? Asan na yung "di kita iiwan"? Asan na yung "ikaw lang talaga"? Asan na yung "mahal kita"? Nabenta mo na ba sa iba kaya wala na sa'akin? Binawi mo na ba sa'akin at binigay sa iba? Paano na yung mga plano natin? Hanggang PLANO na lang ba talaga yun? Kahit kelan ba wala ka talagang balak tuparin yun? Ano na? Ano na nangyari sa'atin? Bakit naging ganito tayo? May nagawa ba ko? Nagkulang ba ko? Masyado ba ko'ng selosa? Nasakal ba kita? Masyado ba kitang inaway? Bakit ka nagsawa? Pangit ba ko? Kung pangit ako, bakit mo ko nagustuhan? Nagsawa ka sa mukha ko? Edi dapat sinabi mo para everyday iba yung ayos ko.

        Di na ba maayos ang lahat? Ano na nangyari sa couple na sinasabi nilang perfect? Wala na ba talaga? Andami ko'ng tanong no? Pero, umaasa pa rin ako na one day.. Malaman ko din ang mga kasagutan sa mga tanong ko. Na one day.. pupunta ka sa harap ko para magpaliwanag. Na one day, kakausapin mo ko para mag-start tayo ulit. Hindi naman masama umasa di'ba? Buhay pa ko eh. Humihinga pa. Edi may pag-asa pa! 

       Nag-iisa ka lang. Kahit na pinalitan mo na ko. Alam ko sa sarili ko na may space ka pa para sa puso ko. Tanga much? Tanga ko nga eh. Ewan ko ba. Ikaw kasi eh! Bakit kailangan mo pa ko'ng iwan? Ang masaklap, niloko mo pa ko. Ang masaklap, pinagpalit mo pa ko. Gusto ko'ng magalit. In fact, GALIT NA GALIT NA KO EH. Pero ang epal lang ng puso ko. Ang hina lang ng puso ko. Ikaw pa rin kasi eh. Sa kabila ng lahat. Ikaw pa rin. Ano? Ako ba? Andyan pa din? Psh. Tanga ko.

      Tama na muna ako dito. Okay lang kahit di ka sumagot. Pero sana naman basahin mo. Malapit na ang 30. Sa panahong yung, isang buwan na simula noong iniwan mo ko. Isang buwan na simula noong nagluksa ang puso ko sa'yo. Isang buwan na simula noong nawala ka sa buhay ko. At higit sa lahat, isang buwan na din simula noong agad mo ko'ng pinalitan..

Ang iyong niloko at iniwan,

Kris.

Niloko at Iniwan [A letter story] COMPLETED :">Where stories live. Discover now