Chapter 78: Oracle

2K 60 1
                                    








~*~










(Clive's POV)







Napailing na lamang ako matapos sabihin sa akin lahat lahat ni Frank, ang aking anak. Napakakomplikado at napakapanganib ng sinuong ng mga batang iyon. Tyak na pagpipyestehan ang ulo nilang tatlo pag may nakaalam pa ng mga pangyayaring ito.

Tinignan ko ang aking anak na tahimik lamang na nakayuko at hindi makatingin sa aking mga mata. Hindi ako makapaniwala na hinayaan nyang tumuloy ang mga binatang batang iyon dito........err mga batang binata.

"A-Ama." Mahinang usal nya.

Hindi naman ako galit sa kanya, sadyang naiiinis lamang ako dahil sa ganitong gulang pa lamang ay napakatalinong bata na nya.

Teka bakit ba ang gulo ko mag-isip? Kailangan kong unawain ang lahat ng ito ngayon at masabi agad sa hari ang lahat--------hindi. Hindi maaari. Maaaring magulo ang panahon pagnalaman ito ng hari, tama tama na wala nga dapat makaalam diba Clive? Ugh.

"A-Ama-------"

"Sssshh." Pikit mata kong pagpapatahimik sa kanya.

Ayoko munang makarinig ng kahit na anong salita mula sa kanya. Bakit ba ang daming problema ngayon? Sumasabak pa sa gyera ang mga iba't ibang kaharian at isusunod na kami, itong kaharian na kinatatayuan ko ngayon. At ang hari hanggang ngayon ay nasa gitna pa rin ng magulong kaisipan at malapit ng masiraan ng bait dahil sa pagkawala ng isa pa nyang anak pati na rin ang asawa na kasalukuyang nakikipaglaban sa mga kalaban. Ay oo meron pa pala, kulang kami sa mga gamit at marami nang sugatang mamamayan rito dahil sa paunti-unting paglusob. Hay naku naman. Mukhang masisiraan na rin yata ako ng ulo.

"Mukhang may problema kayo ngayong mag-ama."

Napatigil ang paghinga ko ng marinig ang tinig ng hari sa madilim na bahagi ng silid. Nakakapanindig balahibo.

"M-Mahal na h-hari." Hindi ko maiwasang hindi mautal sa kanyang harapan lalo na't may tinatago akong lihim sa aking kaharap.

"No need to be formal Clive. I'm alone."

Alam kong nag-iisa ka. Hindi lang ako komportableng may tinatagong lihim sayo.

"Sabihin nyo. Anong nagaganap rito?"

Madali talaga nyang mahalata. Ano bang aasahan mo sa matalik mong kaibigan diba?

Sinulyapan ko ng tingin ang aking anak na kalmado lang na nakatingin sa akin. Tignan mo tong batang to, sya ang nagbigay ng perwisyo sa akin eh.

"Tungkol ba ito sa mga binata Clive?" May pagkaseryoso na nyang tanong.

Wala na akong nagawa kung hindi salubungin ang kanyang mga tingin. Tama nga ako, nagtataka na ang kanyang mga mata.

Lumunok muna ako bago magbitiw ng mga salita. Kung ano man ang mailalabas ng bibig ko kailangan na naming panindigan iyon.

"Tama ka."

"Kung ganun, tama ba ang hinala ko na sila ay mga kalaban?"

Perwisyo ang dala nila rito sa ating panahon ngunit alam kong hindi sila kalaban sa ngayon.

"Hindi." Maikli kong sagot.

"Ano?"

"Sila....." Hinga ng malalim. "I-Isa sa kanila ang orakulo na pinadala ng akademya."

Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon