Sunset
Maaga kaming gumising dahil para hindi hirap sa daan mamaya. Mas nauna akong maligo dahil siya matagal maligo. Natapos na ako at nag tapis na ako ng bathrobe.
Sumunod naman narin siyang maligo at hindi ako tinapunan ng tingin 'man lang. Hanggang ngayon ay nasa isipan ko parin ang sinabi niya kagabi. Ugh!
Kinuha ko na ang susuotin ko at mabilis ko 'yong nasuot sa akin. Ngayon naman ay binuksan ko na ang blower upang patuyuin ang buhok ko.
Natapos akong gumayak at siya ay naliligo parin. Nag light make up nalang ako. Eyebrow and Liptint.
Mayroong kumakatok sa pinto niya at binuksan ko naman agad 'yon. 'Yong mga nag laundry pala ng damit namin, hatid hatid nila ang mga maleta namin.
"Thanks." Sabi ko. "Welcome po." Sabi nila at umalis narin. Hinila ko nalang papasok ang dalawang maleta at umupo sa sofa.
Tinignan ko naman ang cellphone ko na malapit ng ma full charge. Inayos ko narin ang mga power bank para kung sakaling ma lowbatt 'man kami sa daan eh may pagtsa charge-jan kami.
Lumabas na siya ng kwarto niya at tinignan ko naman agad siya. Inaayos niya ang wrist watch niya. "Alis na tayo?" Tanong ko.
Tumingin siya sa akin at pinasadahan ang suot ko. Ngumiti naman siya at tumango nalang.
I'm wearing a navy blue long sleeve na tinupi ko hanggang siko, Black High waist pants at cream doll shoes. Baka naman mayroon pa siyang masabi diba? Tsk! Napaka conservative naman niya pala.
"Let's go." Sabi niya at hinila na ang dalawang maleta palabas. Ako naman ay dinala ko ang isang itim na bag na nandoon ang personal things ko at kinuha ko narin ang mga sure akong gagamitin niya.
Mukhang hindi talaga siya kukuha ng Driver dahil wala siyang tinatawagan na kahit sino. Madilim ng bumaba kami sa basement.
Pina-tunog niya ang ford niya at binuksan niya na ang passenger seat. At inilagay niya na doon ang dalawang maleta, pinasabay ko naman na ilagay doon ang itim na bag.
Pagkatapos ay sumakay na kami parehas sa harap. Three ng madaling araw ay bumabyahe na kami. Walang ka-traffic traffic dahil madaling araw palang.
Tama nga siya. "Sino 'yong pinsan mo? By The way. Congrats to him or her." Sabi ko habang tinitignan ang cellphone ko kung mayroon nag text.
"She's Kaycee. I already told her about you, And guess what. She's excited to meet you." Aniya at huminto dahil sa red light.
Tumingin ako sa kanya habang siya ay naka tingin sa Daan. Ang tangos tangos ng kanyang ilong.
Kung pwede na si Tao nalang ang gustuhin ko ay matagal ko ng ginawa. Pero hindi.. Ang gusto ko parin ay walang iba kundi si Luhan. Gustong gusto ko siya.. kahit alam kong malabo niya akong magustuhan.
Sasagot dapat ako pero tumunog ang cellphone niya at saktong nag green light na. Kung kaya't umandar na muli kami.
"Yes, Nasa byahe na kami. Kayo ba?"
Kumunot ang noo ko. Sino naman kaya ang kausap niya? His Family? Or sila Kai?
Nag-patuloy sila sa pag-uusap sa cellphone at hindi ko kilala kung sino 'yon, pero hindi ko alam sa sarili ko kung bakit gusto kong malaman kung sino ang kausap niyang 'yon.
ESTÁS LEYENDO
Trouble Maker [Jiyeon&Tao] COMPLETED
Fanfiction"Yes, you're a bad girl. But I love you."
![Trouble Maker [Jiyeon&Tao] COMPLETED](https://img.wattpad.com/cover/103050693-64-k181597.jpg)