Chapter 2

1.8M 36.4K 14.1K
                                    

Chapter 2

"Weh? Serious? No joke?" Nandito kami ngayon sa caf ni Aya, ang bespren ko. Hehe. Hindi ko pa pala siya napapakilala. Sorry naman.

"Oo nga. Tsaka mukha bang magjjoke ako tungkol sa ganung bagay? O Diyos ko!" Tapos yumuko ulit ako sa lamesa. Kasi naman, paano ko ba gagawin yung pinapagawa ni Sheen? Parang mas okay pa yata na magbigti ako eh!

"Tss. Ikaw naman kasi, pag si Sheen ang may sabi, go go go ka lang agad. Hindi ka man lang nag iisip. On the other hand, kailan mo nga ba ginamit ang isip mo?" 

Binatukan ko siya, "Kaibigan ba talaga kita?! Walanjo!"

"Hehehe. Joke lang. Eto naman oh. Eh maiba tayo, paano mo gagawin yang, Mission Impossible: Seducing Drake Palma mo? Eh alam mo namang medyo autistic yun eh." Tama! Autistic. Laging natutulog sa klase. Pero pag nag quiz, laging perfect. Ang unfair! Ako na gising, bagsak. Siya na tulog, perfect! Ano yun? Napapanaginipan niya yung lecture? The 'eff!

"Hindi ko nga alam. Wala akong idea. Besh, help me naman." Tapos nag twinkling eyes ako. I badly need help! =___=

"Shatap! Ako nga walang boylet eh, paano kita tutulungan?"

"Haay! Life, why so hard on me? Gusto ko lang namang maging girlfriend ni Sheen eh.. Aray!!" Bigla kasi akong binatukan ni Aya!

"Ang emo mo kasi. Ewie."

"Wala ka ba talagang suggestion jan? Tips? Advice?"

"Know what?" Tapos umiling ako, "Ayun yung target mo oh, sundan natin, dali!"

Tapos nga, tinapon na namin yung kinakain namin at sinundan si Drake. Walanjo, feeling ko ako si James Bond eh!

Nakarating kami sa likod ng high school building ng St. Claire's High (St. Claire's Academy yung pang college), tapos tumigil si Drake at nahiga sa ilalim ng puno. Matutulog pa yata. Autistic talaga.

"Tara na nga! Matutulog lang pala eh!" Tapos tumalikod na ako at nagsimulang maglakad. Haay, sayang yung fries at sundae ko! Tinapon ko para panooring matulog 'tong autistic na 'to..

"Teka lang!! May babaeng paparating oh!"

Tapos tumigil ako sa paglalakad at bumalik. Oo nga, may babaeng dumating. Hindi ko nga lang kakilala pero alam kong ka batch namin. Pero in fairness, maganda si ate. Mas maganda nga lang ako. Wahaha!

Nag uusap sila, hindi namin marinig. Pero dahil nga may lahi kaming chismosa ni Aya, lumapit kami. At walaaa~ Naririnig na namin ang pag uusap nila!!

"Drake, gusto kitang maging boyfriend!" Sabi ni ateng maganda. Shet! Saludo ako sa fighting spirit mo! Go, ate!

"K." Sagot ni Drake. What the--- Ganun lang yun?!

Tapos ngumiti si ate kaso tumalikod na si Drake at naglakad pabalik sa puno niya, "Break na tayo." Sabi niya. Isa pang, What the--- Ganun lang yun?!

Biglang natulala si ateng maganda, "A-anong break na? Kanina lang naging tayo tapos, break na agad?" Tanong ni ate. Yun din ang tanong namin eh. =___=

"Yun lang naman gusto niyo di ba? Maipagmalaki na naging boyfriend niyo ko? Yan, naging boyfriend mo na ako. Alis na." Tapos nahiga ulit siya. Tumakbo si ateng maganda na umiiyak.

Ang sama mo, Drake Palma! Kakarmahin ka din!!

Nakabalik na kami sa classroom ni Aya, buti na lang late yung teacher namin, hindi kami napagalitan.

"Yun naman pala, Besh. Madali naman palang maging boyfriend si Drake eh. Napakadaling kausap! Sobrang daling kausap!" Sarcastic na sabi ni Aya. Oo nga naman, para siyang boyfriend ng bayan. Public property and whatsoever. Eh kasi naman..

"Eh--"

"Eh di kausapin mo din siya kagaya nung ginawa ni ateng maganda tapos sabihin mo na lang jan sa Sheen your loves mo na nagbreak na agad kayo. O di ba? Tapos na ang problema mo." Sabagay, magandang suggestion yun. 

"Eh nakakahiya. Classmate kaya natin siya. Eh si ateng maganda, tiga ibang section naman kaya okay lang.."

"Okay lang yun, noh! Malay mo naman, hindi niya alam na mag classmates pala kayo. O kaya naman, hindi niya alam na nag eexist ka pala! Alam mo naman yun, palaging tulog. Kaya don't worry, Besh." Sabagay, may point din siya.

"Sige na nga. Sasabihin ko mamaya, tapos sasabihin ko na din kay Sheen na break na kami agad."

"Good luck sa Mission Impossible mo, Besh!"

Tapos ayun nga, nagklase kami. Sa dismissal ko balak sabihin na gusto ko siyang maging boyfriend. Haay! Kakalimutan ko na tao din ako na may hiya para kay Sheen. Lesheng pag ibig, ginagawa akong utu-uto.

Ayan na, dismissal na! Naglalabasan na yung mga tao sa room pero nakayukyok pa din sa armchair niya si Drake. Autistic talaga.

After 15 mins., sa wakas! Nagising din ang sleeping prince. Kinuha niya yung bag niya at nag stretching tapos naglakad na palabas ng room. Ako naman ay tahimik na sumusunod sa kanya. Sa labas ng campus ko sasabihin noh! Wala akong balak na machismis.

Nung sigurado na akong malayo na ako sa campus, kinalabit ko siya. Yes, Alys! Kaya mo yan! Aja!

Lumingon siya tapos tinignan ako, "Drake Palma, boyfriend na kita."

Tapos inirapan niya ako at tumalikod, Autistic talaga =___=

Nagbilang ako ng malakas, 

"Five"

"Four"

"Three"

"Two"

"One"

"Break na tayo. Sige, bye." Tapos tumakbo na ako papalayo. Yess! Nagawa ko ang mission ko! Wahaha! Wala naman sinabi si Sheen na gawing kong boyfriend ng matagal, di ba? Ang talino mo talaga, Alys! At least kahit hindi sa acads!

Kinabukasan, excited na akong pumasok para sabihin kay Sheen ang mabuting balita. Mwehehe. You're so smart, Alys. Ililibre kita ng ice cream mamaya.

"La, la, la~" Naghuhum pa ako papuntang rooftop, kasi nga di ba dun yung tambayan ni Sheen? Maaga pa naman eh, kaya pupunta muna ako dun.

Nung pagbukas ko ng pinto, naabutan ko dun si Kei at Sheen, nag uusap..

"Bakit mo ba ako pinapunta dito?" Tanong ni Kei.

"I love you, and I want you back.." Aray! Ang sakit T^T

"Don't you get it, Sheen? We're over!"

"Bakit ka ba nagkakaganyan? Dahil ba jan sa Drake Palma na yan?!" Hala! Sumisigaw na si Sheen! Nakakatakot!

"Oo, bakit? May magagawa ka ba?"

"Kei naman! Alam mo namang playboy yun eh! Bakit ba gustung gusto mo yun?! Palaging may girlfriend yun!"

"Alam ko. Pero lagi din naman niyang bine break."

"Yun na nga eh! Lagi niyang bine break! Eh bakit nagkakandarapa ka pa din sa kanya?!"

"Kasi, papatunayan ko na ako ang unang babaeng seseryosohin niya." Tapos tinalikuran niya si Sheen at naglakad. Ako naman, nagtago agad. 

Hayst! Akala ko naman okay na. Ako na nakipagbreak, ako pa makikipagbalikan. Hay, pambihirang buhay naman 'to!

Seducing Drake Palma (PUBLISHED AND SOON TO BE A MAJOR MOTION PICTURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon