C20: Hatred and Vengeance

232K 4.7K 1.2K
                                    

BASAHIN!!!

Unedited ang mga chapters na nandito.

Ibig sabihin;

1) May mga typo.

2) Iba ang nandito sa published version. Revised 'yung C3CHAS na published kaya wag magtaka kung may iba rito. Kung nasimulan mo ang C3CHAS sa published na version mas advise na ituloy mo sa published na ver.

Kung ayaw nyo maspoil sa story.

Gawin ang mga sumusunod;

1) Wag magbasa sa comment section.

2) Wag magmadali, malalaman naman lahat sa dulo.

Sa pagbalik ko nito. Respeto na lang sa mga hindi pa talaga nakakabasa, pls wag spoiler. No papansin allowed. Char! Haha.

---

Teacher Paolo's POV

"Teacher, nakapatay ka na 'diba?"

Napaatras ako nang narinig ko ang mga katagang iyon mula sa bibig ni Lilith, isa sa mga estudyante ko. Hindi pupwede. Paano niya nalaman? Napalunok ako ng ilang beses. Nararamdaman ko ang tuloy tuloy na pagtulo ng pawis ko mula sa ulo ko hanggang sa mukha ko.

"A-Ano ba yang sinasabi mo Lilith?" 

Inilapag niya ang hawak hawak niyang teddy bear at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at inamoy amoy pa ito. Parang gusto kong tumakbo palayo sa kanya dahil sa binibigay niyang kakaibang aura. Kasalukuyan pa rin niyang inaamoy ang mga kamay ko. Bigla siyang tumingala hanggang sa kakaunti na lang ang pagitan ng mukha niya sa mukha ko.

"A-Ano bang problema mo?!" Hindi ko namalayan na napalakas na pala ang tono ng pananalita ko. Siya ... anong klaseng tao siya. Pano niya nalaman? Normal pa ba siya? Nakatingin pa rin sa akin ang nakakapangilabot niya mga mata.

"Totoo 'diba?" Inilapit niya ang ilong niya sa may dibdib ko. "Punong puno ng poot ang puso mo." Itinulak ko muli siya papalayo.

Pinagpag lang niya ang suot niyang uniporme nang tumayo siya. Tumingin ako sa paligid. Wala namang nakakita. Hindi ko alam kung bakit nandirito pa siya. Sa tingin ko ay kami na lang ang tao sa school bukod sa guard. Hahawakan ko sana siya sa braso at hahatakin. Hindi maaring may makaalam ng tungkol sa akin. Walang dapat makaalam sa mga ginagawa ko. Ngunit hindi ko ito nagawa nang biglang may dumating na isang babae, may suot itong salamin at tiyak kong mas bata sa akin ng kaunti. Agad agad itong lumapit kay Lilith at kinausap ito.

"Kanina ka pa naming hinahanap. Ba't ba hindi ka pa umuwi?"

"Gustong kong maglaro dito kasama ni Griselda."

"Ikaw talagang bata ka." Lumingon sa akin ang babae.  "Sorry po mister, may mali lang talaga sa pag-uutak itong alaga ko. Kung ano man po ang nasabi at ginawa niya, sana wag nyo pong masyadong isipin ang mga yon." Halata na isa siyang nurse.

"Ayos lang po. Mabait naman si Lilith. Tinatanong ko lang siya kung bakit nandirito pa rin siya sa school." Nginitian ko ang babae. Tumingin muli ako kay Lilith na nakatayo lamang habang hawak-hawak ang teddy bear niya. Pinanood ko sila nang naglalakad sila palayo sa akin.

"Ate Melissa."

"Elissa ang pangalan ko Lilith."

"Ate Melissa, wala ka bang naamoy na masama dun sa teacher na yon?"

Napatigil sila ng sandali.

"Sabi ni Griselda, kaaway siya. Dugo. Hindi mo ba naamoy ang dugo sa kanya Ate Melissa?"

Class 3-C Has A Secret | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon