Chapter 8

379K 8K 845
                                    


NAPAPITLAG si Mhelanie nang bigla na lang may humalik sa pisngi niya habang nagluluto siya ng kanyang hapunan.

"Tres!" Gulat niyang bulalas nang malingunan si Falcon. May bitbit itong

Palumpon ng puting Calla Lillies. Hindi man lang niya naramdaman ang paglapit nito. Hindi naman kataka-taka kung paano itong nakakapasok sa pad ni Harper dahil alam nito ang passcode ng unit.

"For you." Inabot nito sa kanya ang bulaklak. Ilang sandali niya iyong pinagmasdan lang bago inabot.

"Para saan 'to? Hindi mo ako kailangan bigyan nito."

"Simple thank you or kiss will do, love."

"And stop call me with that pet name? We're not even a couple."

"I can't call you 'love' but we can fuck." Napipilan si Mhelanie sa sinabi ni Falcon. Okay! She was offended. Inagaw ni Falcon ang bulaklak mula sa kanya at ipinatong iyon sa counter sa likuran nito saka siya muling binalingan. Sinapo nito ang magkabila niyang pisngi saka siya ginawaran ng maraming halik sa labi.

"Nagbibiro lang ako. Sorry." He planted another quick kiss on her lips before jerking her to him and enclosed her to his arms.

"Hindi pa ako kumakain. Labas tayo." Hindi niya rin maintindihan kung ano ba talaga ang gustong mangyari ni Falcon. Kung bakit ganito ito umasta? At parang pupuwede talaga nilang gawin ang ganoon; ang lumabas para kumain. Maraming nakakakilala kay Falcon at siguradong pag-uusapan sila sa oras na may makakita sa kanilang press.

"Hindi puwede. I get it." Ito na mismo ang sumagot sa sariling paanyaya. Naramdaman niya ang panghihinayang at tamlay sa boses nito. Wala sa loob na tumaas ang dalawang kamay niya at hinaplos ang likod ni Falcon. Bakit ba hindi niya matiis ang lalaking ito? Parang batang nakakaawa.

"Nagluto ako. Dito na lang tayo kumain kung gusto mo." Mabilis na nailayo ni Falcon ang sarili mula kay Mhelanie at nagniningning ang mata nitong tumitig sa kanya.

"Talaga?" happiness spread across his face. Parang batang napagbigyan sa inuungot.

"Tinolang may buko lang 'to. Kumakain ka ba n'yon?"

"Kahit ano kakainin ko basta sabay tayo." Buong pagpipigil ang ginawa niya para hindi gumuhit ang ngiti sa labi. Oh, God! How can he be so hot and cute at the same time?

"Okay. Doon ka na muna sa komedor. Tatapusin ko lang 'to." Nilingon niya ang niluluto saglit at muli rin ibinaling ang tingin kay Falcon.

"Sige na. Sandali na lang 'to." Hinarap niya ang niluluto. Kinuha niya ang dahon ng sili na nasa mangkok at ang tangka niyang paglagay ng dahon sa niluluto ay natigil nang muling yumapos si Falcon mula sa likuran niya.

"Tres!" saway niya sa lalaki na parang tuko kong kumapit. Dikit na dikit ang pisngi nito sa kanyang pisngi.

"I think you still can cook like this." Hinalikan pa nito ang pisngi niya. Bahagya niya itong nilingon para sana sawayin ulit pero mabilis naman siyang hinalikan ni Falcon sa labi.

"Luto na. Gutom na ako." Lambing nito. Wala ng nagawa si Mhelanie kundi ang ipagpatuloy ang ginagawa. Nang mailagay niya ang dahon ng sili ay tinakpan niya na ang caserola, saglit na pinakulo ang tinola at pinatay na iyon.

Fatal Attraction 4: Sinful AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon