Chapter 33 -- Everyone's Anguish

84 2 0
                                    



Chapter 33 -- Everyone's Anguish



Helaena's POV

I feel like a cat who already lost the battle against the tiger. Who left me bleeding and gasping for air. An impossible battle to win. Hopeless and helpless. That's what I really feel right now.


Pano nga ba ako lalaban sa isang gyerang alam ko namang talo ako sa kahit anong paraan pa'ko lumaban? Natatakot ako at nanghihina sa mga maaaring mangyari sa'kin-- samin ni Brylle at lalong lalo na sa Pamilya ko.



"Edi sabihin mo na lang kay Brylle na inofferan ka ng Tatay niya ng milyon." Suhestyon nitong si Cahli matapos kong ikuwento sa kanya ang lahat kanina. Sa kanya ako dumiretso imbes na kay Brylle. Dahil ang totoo hindi ko alam kung anong sasabihin ko dito.


"Wala akong balak sabihin sa kanya ang ginawa ng Tatay niya." Sagot ko sa kabigan ko.


"Bakit hindi? Alam mo? Isa ka talagang martyr at t-a-n-g-a. Like duh!" At talagang inispell out pa niya ang salitang tanga. Oo, alam ko tanga ako. Matagal na.


Nasa ilalim lang kami ng puno sa loob ng campus at pinapanood ko lang ang mga dahon at bulaklak ng acasia na magsilaglagan sa damuhan at sa'min. Pakiramdam ko tuloy nasa Japan ako at mga cherry blossoms itong mga bulaklak na naglalaglagan sa'min. How I wish.


"You know what? Sa mga teleserye at movies ko lang napapanood ang ganyan eh. Yung tipong, you and me against the world. Yung langit at lupa ang pagitan. Na kung saan ang bidang babae o lalake, ayaw sa kanya ng Pamilya ng isa. Tapos tatakutin ng mayamang Pamilya ang mahirap na bida na kung hindi niya hihiwalayan ang kanilang anak ay may masamang mangyayari sa kanya o kaya sa kanyang Pamilya or sa kanyang minamahal mismo. Na itatakwil ito kapag hindi siya sumunod sa gusto nila." Mahabang kwento nitong si Cahli, habang ako ay tahimik lang na nakikinig sa kanya.



"Tapos etong bida syempre mag iisip muna sa umpisa kung sino ang pipiliin niya. Ang kanyang Pamilya ba o ang kanyang minamahal? May dalawang senaryo na laging nangyayari diyan. Its either, number 1, si bida iiwan ang taong mahal niya at pipiliin siyempre ang kanyang Pamilya. At never niyang sasabihin ang totoong nangyari sa kanyang minamahal kung bakit niya nito iniwan. Siyempre, magagalit itong iniwan at iisipin niya na hindi talaga siya mahal ng kanyang kasintahan. Or number 2, ang taong minamahal niya ang kanyang pipiliin, but knowing the consequences, magiging masalimuot at mahirap pa lalo ang buhay nila. Na kung saan ipatatanggal sa trabaho ang Parents ng mahirap na bida, ipapa kick out ito sa School. Ipapa---"


"Stop!"Pigil ko sa mahabang sinasabi ni Cahli. "Just stop, okay?" Alam ko na din naman ang pino-point out niya. Just like her, madaming beses ko na din itong napanood sa TV. "Dapat sinabi mo na lang ang Meteor Garden o kaya ang Boys Over Flowers. We all know their stories. At katulad nila ang istorya namin ni Brylle." Malungkot na sabi ko. Oo, pakiramdam ko ako si San Chai o kaya si Gum Jan Di. And we all know what happened to them. Naghiwalay sila at naging mahirap ang buhay ng mga bidang babae. You can now call me over acting. Well-- you're right. I am O.A.



"But knowing their stories, we all know the ending. After all the struggles they faced, naging masaya at nagka tuluyan ulit sila ng kanilang minamahal. Sounds cliche. I know, right?"


"Yeah, right. But I'm not San Chai nor Gum Jan Di. This isn't a movie or teleserye. This is a real world, Cahli." May halong lungkot at pangamba parin na sabi ko. Alam ko naman na pinapa lakas lang nitong si Cahli ang loob ko and I really appreciate that.


"Tama ka. Totoong mundo 'to. At sa totoong mundo, kailangan mong lumaban. Lumaban ka kahit alam nating imposibleng manalo. Lumaban ka kasi may pinaglalaban ka. Para sa huli, hindi ka magsisisi sa mga 'what if's' mo in the future."


My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon