Chapter 9

358K 7.5K 784
                                    

MHELANIE got lost in thought, anxiety grew with every second she continued to stir her coffee, staring blankly into the cup. Her eyelids were heavy, her body even heavier. She felt sick and tired.

"Umiyak ka ba?" Harper's voice shocked her out of her trance. Nag-angat siya ng tingin kay Harper na naupo sa kabisera ng mesa at inilapag ang tasa ng kape.

"Ha?" She asked mindlessly.

"Your eyes are swollen." Mhelanie blinked her eyes rapidly, pulled the spoon out, placing it carefully on the saucer, to the side of the cup before lifting the cup to her lips and took a small sip of her coffee.

"Nanood kasi ako ng movie kagabi. Nakakaiyak." Pagsisinungaling niya. Hindi na rin siya lumabas pa kagabi pagdating ni Harper. Hindi niya rin alam kung anong oras umalis si Falcon.

"Kumusta nga pala ang naging dinner niyo sa bahay ng magulang ni Falcon?" Her face flinched at Harper's question. Inilapag niya ang tasa at nagyuko ng ulo. Sadyang iniwasang hindi makatagpo ang mata ni Harper.

"Okay naman." Tipid niyang tugon. Sumasal bigla ang tibok ng puso niya dahil sa samo't saring emosyong umaatake sa kanya.

"Hindi ba napag-usapan ang tungkol sa amin ni Falcon. About the wedding."

"Hindi naman." Bagama't sumasagot ay nasa tasa naman ng kape nakatuon ang kanyang mata. Hindi niya kayang tumingin kay Harper.

"Mabuti naman." Harper sighed in relief. Pinilit niyang mag-angat ng tingin kay Harper. Gusto na naman niyang maiyak sa matinding lungkot at guilt na nararamdaman.

"Harper, kasi. . . Ahm. . ." Humigop si Harper ng kape habang nakatingin sa kanya at naghihintay sa sasabihin niya.

"Iyong naging boss ko dati. May natanggap ulit akong email. Inaalok ako ng trabaho. Sa California." Dahan-dahang ibinaba ni Harper ang tasa at agad na bumakas sa mukha nito ang hindi pagsang-ayon.

After passing the uniform CPA examination ay nagtrabaho siya ng isang taon sa isang kompanya bilang isang accounting assistant to meet additional state certification and experience requirements pero umalis din siya after a year nang magsimulang sumikat si Harper. Ayaw na siyang paalisin pa ng boss niya noon pero kailangan niyang i-give-up ang trabaho niya kahit na na-e-enjoy niya dahil kay Harper at ayon na rin sa pakiusap ng kanyang nanay na pagbigyan na si Harper sa nais nito. Gusto nito ay lagi siyang kasama. Kung magkano man ang sinasahod niya sa trabaho noon ay higit ang kinikita niya bilang PA ni Harper. Pero kung tatanggapin niya ang offer sa kanya ngayon siguradong makakapundar siya ng mas mabilis. Noong isang buwan pa niya natanggap ang email ng dati niyang boss pero tinanggihan niya, pero ayon naman sa boss niya any time ay maaari siyang mag-report.

"Ang ganda kasi ng offer. Nanghihinayang—"

"You promised me!" Padabog na tumayo si Harper at iniwan siya.

"Harper!" Tawag niya rito pero hindi siya pinansin. Tumuloy ito sa kuwarto. Nanglulumo siyang napasandal na lang. Hindi niya masisisi si Harper kung bakit ayaw nitong umalis siya. Wala pa man silang muwang ay magkasama na sila nito. Lumaki silang magkasama. Kaya galit na galit siya sa sarili niya ngayon dahil sa katrayduran niya. Hindi niya gustong lokohin si Harper pero hindi niya naman magawang tanggihan si Falcon sa tuwing lalapitan siya nito. At tingin niya ay makakabuti para sa kanila kung lalayo siya.

Fatal Attraction 4: Sinful AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon