Fourteen

54.6K 1.2K 187
                                    

Allie

It was Sunday and I had nothing better to do in life kaya naisipan namin ni Frannie na mamasyal sa Eastwood. Minsanan lang kami pumunta dito dahil may mas malalapit naman na malls sa estate, pumupunta lang kami dito kapag gusto namin ng ibang view.

Mas maganda sana mamasyal kapag gabi, with the lights and all but Frannie’s supposed to come home at exactly eight every Sunday dahil required sa kanila ang family dinner. Ganon din naman sa amin pero kapag may lakad ako ay naiintindihan naman sa bahay iyon.

Wala ako sa mood mag shopping kaya inaya ko na lang siya na manuod ng sine at matapos ay mag food trip. It wasn’t boring dahil punong-puno ng kwento si Frannie. Nagke-kwento rin naman ako, pero minor topics lang. I made sure to steer clear from Arron or my complicated relationship with Dominic.

Hindi naman nagtanong si Frannie, which is better dahil baka masira lang ang araw namin kapag wala akong masagot sa kanya.

She mentioned once na may umiikot daw na balita tungkol sa nangyari sa room last time. I didn’t exactly confirm anything dahil hindi naman siya nanghihingi ng confirmation mula sa akin. It wasn’t a question either kaya wala akong maisasagot sa kanya.

After lunch ay dumeretso kami ng time zone para magpalipas ng oras. Sobrang aksaya sa pera but it was fun since I missed spending time with my cousin.

Busy kami pareho sa pagkain ng ice cream when my phone rang. Inaasahan ko na baka si Dominic ang tumawag. Nagpaalam na ako sa kanya na aalis kami ni Frannie ngayon at pinayagan niya ako. Siguro ay gusto niya lang i-check kung uuwi na kami.

Pagkalabas ko ng phone mula sa bag ko ay hindi ko inaasahan ang tumatawag sa akin. Napatingin sa akin si Frannie at binigyan ako ng makahulugang tingin. Hindi ko na lang siya pinansin at mabilis na sinagot ang tawag.

“Hey.”

“Kitten, where are you?” I blinked a few times dahil hindi ko alam ang isasagot ko.Wala kaming klase together ni Arron kahapon. The last time I saw him was Friday at sa loob lang ng room yon. Nasanay na siya na sa upuan ko tumatabi para buskahin ako. Minsan ay pumapalibot rin ang iba niyang kaibigan dahil nandoon si Arron at nag-uusap sila tungkol sa mga panglalaking usapan. Hindi naman ako nakikinig dahil wala akong naiintindihan. Mostly kasi sasakyan ang pinag-uusapan nila. Boys and their toys.

“Eastwood. Why?” tanong ko.

“Susunduin kita.” sabi nito at napakunot naman ang noo ko.

“Bakit naman? Paano kung sabihin ko sayong si Dominic ang kasama ko, susunduin mo pa rin ako?” angil ko dito. At katulad ng laging reaksyon siya kapag naiinis ako, tumawa lang siya.

How to Break a Heart (To be published by LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon