Chapter Sixteen

432K 12.6K 9.4K
                                    

SASKIA

Dear Daddy,

First and for all, I want to thanks you my daddy, my mommy and most of all my parents to bringing me this world. I'm not any heart feelings to you for not see me or meet me and write me. I just want to give update the happenings at my life. Now our life is okay. I'm not dance anymore in the club because I'm pregnant my first child. Your grandpa now. We have beautiful house now and aircon, not hot anymore at summer here. My baby father very good to us and very rich family. I send you picture when baby out of my stomach. I want to know how you feel definition to me? I hope you wrote back. We don't see but I miss you sometimes. Everyday very painful my heart. Thanks and advanced.

Your gorjus daughter,

Saskia 


"Saskia." Nagulat ako ng marinig ko ang boses ni Migs. Lumingon ako at nakita siyang nakatayo sa likod ko. Ngumiti siya sa akin pero iba ang sinasabi ng mga mata niya.

"Kanina ka pa dito?" Tanong ko sa kanya.

Umiling siya. "I just got here. Hinatid ko lang yung grocery na pinamili ko saka may appointment tayo sa doktor ngayon."

"Hindi pa ako nakakapag-ayos. Nawala kasi sa isip ko" Nahihiyang sabi ko.

"It's alright." Inangat niya ang sleeves niya at tinignan ang relo. "We still have an hour."

"Migs, yung nangyari sa restaurant noong isang araw... sorry nga pala doon. Kung hindi kita inayang lumabas, hindi sana malalaman ng parents mo." Nagbaba ako ng tingin. Sa totoo lang, naguguilt pa rin ako sa nangyari.

Umiling siya at hinatak ang isang upuan bago tumabi sa akin. "It's not your fault. Sasabihin ko din naman sa kanila. Wala akong plano ilihim ang magiging anak natin."

"Paano ang magiging asawa mo?" 

Nakita ko ang pagbagsak ng mukha niya ng mabanggit ko iyon. Hinilamos niya sa mukha niya ang palad niya bago bumuntong-hininga. "I'll tell her about you and our baby. Tatanggapin ko kung anuman ang magiging desisyon niya."

"Mahal ka ni Hazel. Sigurado akong maiintindihan ka nun. Siguro magagalit siya sa umpisa pero matatanggap niya rin." Hinawakan ko siya sa kamay at pinisil iyon.

Pinilit niyang ngumiti. "Thanks, Saskia."

"Kung gusto mo ako ang haharap sa kanya at ipaliliwanag ko sa kanya ang lahat. Na aksidente lang yung nangyari sa atin." Presenta ko.

"I'll handle this myself. Si baby na lang ang pagtuunan mo ng pansin." Bumaba ang mga mata niya sa tiyan ko. "Will you tell our baby that Daddy loves him or her so much?"

"Narinig mo yun, baby? Love ka daw ni Daddy." Hinaplos ko ang tiyan ko. Hindi pa lumalaki ang tiyan ko pero ramdam ko na ang pagmamahal ni Migs para sa anak namin. Alam kong magiging mabuti siyang ama pero kahit pagbali-baliktarin ko ang mundo, anak lang sa labas ang magiging baby namin. Ikakasal sila ni Hazel at magkakaron sila ng sarili nilang anak at magiging anak lang sa labas ang anak namin. Bumigat ang dibdib ko ng maisip ko iyon. "Maswerte si Hazel at ang magiging mga anak niyo sa'yo..."

"I don't think so..." Mapait na sabi niya. "I cheated on her. Hindi ko pinagsisisihan ang baby natin, Saskia. I just feel guilty. Ayaw kong masaktan si Hazel. She doesn't deserve me."

"It's spilled milk under the bridge. Nangyari na eh. Nandito na si baby. Ang mahalaga yung pagtama mo sa pagkakamali mo. Hindi mo balak ilihim sa kanya ito. Kasi kung malalaman niya pagkatapos ng kasal niyo, mas masakit yun."

"You're right. Kailangan ko na talagang sabihin sa kanya." Tumango siya at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Bakas sa mukha niya na problemado talaga siya. 

Lipstick LullabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon