Chapter 11: Oh no...

937K 18.6K 444
                                    


(Breth's P.O.V)


"O baby Kaye, do you want that toy? You want me to buy it?", I asked my oh-so-beautiful goddaughter na kasama ko ngayon dito sa mall. Nalaman ko kasi kay Vi na andito sila ng mommy ni Vi kaya naisipan kong ipasyal muna siya.


"Yes tito ninong.", hindi ko naman mapigilang hindi pisilin ang pisngi ng inaanak ko. Ang cute kasi niya at sobrang ganda pa.


Agad ko namang binili yung laruan na gusto ng inaanak ko at pagkatapos ay lumabas na kami dun sa toy store.


"Tito ninong. I want to make pee pee.", maya-maya lang ay sabi ni baby Kaylee.


"Sige sasamahan ka na ni tito ninong.", nakangiting sabi ko naman sa kanya.


Pagdating namin sa may labas ng girl's c.r ng mall ay maraming tao roon.


"Tito ninong, you just wait for me here. You can't go inside kasi you're a guy." Napatawa naman ako sa sinabing iyon ni Kaye... ang talino talagang bata.


"Sige but after you make a pee, come and see me here okay? Nandito lang ako."


"Yes tito ninong.", baby Kaye


Hindi ko naman inaalis ang tingin ko sa kanya dahil maraming tao talaga ngayon. Baka mawala pa ito, patayin pa ako ni hon ng wala sa oras.


Pero ilang minuto na ang nakalipas wala pa rin si baby Kaye, hindi pa rin ito lumalabas.


Where is she?


Napasilip naman ako sa loob at medyo kumukunti na ang mga tao roon.


"Excuse me Miss..." Tawag ko naman sa isang grupo ng mga babae na lumabas sa C.R.


"Yes?"


"May nakita ba kayong little girl diyan sa loob? She has a curly long brown hair."


"Sorry kuya pogi pero wala e."


Namutla naman ako sa sinabing iyon ng babae.


DAMMIT!


Kaylee's missing! Agad naman akong tumakbo para hanapin siya.


DAMMIT! Where are you baby?


Nagpa ikot-ikot naman ako dito sa mall pero hindi ko pa rin siya mahanap. Pati sa ibang palapag ng mall pinuntahan ko na pero wala pa rin.


Napatigil naman ako nang biglang mag ring yung phone ko.


The Billionaire's QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon