Chapter 4: Condo

506 24 14
                                    

Aeryn POV

Sa isang iglap, balik trabaho na nga ako ulit. Kahapon, bago ako i-drop off ni Sivel sa condo ay nag-dinner muna kaming pamilya. We took a photo so I posted in on my Instagram account.

aerynalmonte: I wouldn't be who I am right now without my precious family.

Simple lang ang litrato na 'yun. Magkakatabi kami nina Sivel at Jake sa isang side ng table habang sa kabila, sina Mommy at Daddy naman. Nakangiti kaming lahat.

At as usual, maraming likes at nag-comment na mga fans.

rynrosesofficial: Tagging @erosmarzan, future family mo, oh...

teamaerynalmonte: Ang gandang genes naman talaga! #TeamAlmonteForever

teamrynros: Dahil si @erosmarzan ay sa'yo na, di nanamin kukunin. Queen, sa mga kapatid mo nalang, pwede? Nakakalaglag panty sina @sivelreiven at @almontejakey. Hihi.

Natawa ako sa ibang comments. Of course, there were bashings as usual pero dahil tinatamad ako mag-delete ang mag-block, hinayaan ko nalang dahil iilan lang naman sila. Besides, dinedefend at inaaway sila agad ng ibang fans kahit konting bash lang.

Naglalakad na ako papunta sa isang meeting room dahil doon gaganapin ang aming script reading. I did read some of it last night pero madami daw ang rinevise at ang binigay sa amin ay draft pa lang daw para may idea kami sa story at character namin.

Napatigil ako sa pagtitingin sa phone ng salubungin kami ni Marjorie ng iilang reporters. Binigay ko agad kay Marjorie ang aking phone para maitabi. Wala din naman kasi akong pocket para mailagay phone ko dahil off-shoulder flowing dress ang suot ko. I barely even have make-up on, too.

"Pasensiya na, pero nagmamadali kami Aeryn ngayon e. Script reading para sa bagong project so hindi pwede ma-late. So if you'll please excuse us." mariin na sabi ni Marjorie sa kanila.

Ngunit, hindi tumigil ang media sa kakatanong. Naka-set na nga ang camera at recorders ng iilan.

"Pero Aeryn, please just answer this, ang kapatid mo ba ang sinasabi sa blind item at siyang dahilan ng paghihiwalayan nila?" tanong ng nakakainis na reporter.

Pero para tantanan na kami ay sumagot nalang ako. Ayoko din naman kasi pa-call pa ang guards dahil hassle pa 'yun, baka mas lalo pang ma-delay ang pagpunta sa meeting room. Besides, some of these reporters became my friends already. Minsan ay kailangan talaga ay kaibigan mo ang iba sa media dahil malakas ang impluwensiya nila kung ano man ang iisipin ng masa sa'yo.

"No comment. I do not know anything about that. Besides, hindi ako ang kasama sa issue na 'yan, yung mga involved nalang po ang dapat tanungin." malamig na sabi ko.

With one short answer, they were already satisfied and left us alone.

"Thank you, Aeryn. O siya, good luck. Abangan namin yung iba dito." paalam ng isang reporter.

Dumiretso kami agad doon sa meeting room. Eksaktong 5 minutes before the call time kami pumasok ni Marjorie sa loob. As usual, nandoon na nga si Eros at ibang staff. Dahil kami nalang ang nahuhuling dumating maliban kay Direk Lyn, everyone's heads turned into us. Nag-wave si Eros at tinuro ang dalawang bakanteng upuan sa tabi niya na nakalaan para sa amin ni Marjorie.

Foolish SparksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon