Chapter 3

1.5M 34.2K 7.8K
                                    

Chapter 3

"Huwaat?! Sinabi talaga ni Kei yun?!" Sigaw ni Aya nung kinwento ko sa kanya yung nangyari nung isang araw.

"Oo nga. Gusto niya siya ang unang seseryosohing babae ni Drake kaya siya nagkakaganun."

"Grabe. So, ibig sabihin, nacchallenge lang siya kay Drake.."

"Parang ganun na nga." Hay! Bakit naman kasi gusto ni Kei ng challenge? Sumali na lang sana siya sa Survivor. Bwisit na buhay =___=

"So, ano na naman ang plano mo ngayon, Ms. Alys Perez?"

"Ewan. Makikipagbalikan kay Drake, maybe?" Sabi ko sabay yuko. Bigla namang tumawa si Aya ng malakas. May nakakatawa ba sa sinabi ko?!

"Wahaha! Grabe, Besh! Kung makapagsabi ka naman na makikipagbalikan ka, kala mo naman talagang naging mag-ex kayo! Hahaha!" Sabay tawa ulit. Leshe talaga.

"Bakit? Technically speaking, naging kami. At take note, ako ang nakipagbreak! A-K-O!" Sabi ko, aba, may pride pa din namana ko no! Ako kaya ang nakipagbreak. Wahaha!

"Baka naman kasi hindi mo pinagsalita si Drake. Bigla bigla ka na lang nagmmachine gun." 

"Magpaka supportive ka nga minsan, Aya. Try mo." Sabay irap. Maloloka ako. Isang lalaking best friend na heart broken, isang babaeng best friend na luka luka, isang Drake Palma na autistic, at ako na utu uto. 

"Eto naman. Oo na, oh, ano gagawin mo ngayon?"

"Hindi ko alam. Mukha bang alam ng mukhang 'to ang gagawin?" Tanong ko sa kanya tapos hinablot niya yung mukha ko. Take note, hinablot! 

"Hmm. Base sa mukha mo, hindi mo nga alam ang gagawin. Ang mukha mo ay sumisimbolo sa mukha ng mga babagsakin." Seryoso siya habang sinasabi niya yan.

"Aya, gusto mo ng flying kick?" 

"Ah-eh, hehehe. Eto namang si besh, hindi mabiro. Ang mukha mo ay mukha ng isang napakatalino, at napakagandang nilalang. Oh, oh, ano? Ililibre mo na ba ako?"

"Tss. Lagi ka na lang nagpapalibre. Isusumbong kita sa nanay mo eh."

"Hehehe." Tapos, bumili na kami ng fries at soda. Tahimik kaming nagpplano kung paano ako makikipagbalikan kay Drake. Sht. Nakakadiri talaga. Ako? Makikipagbalikan? Kay Drake? Ohmyfckinggod. Nakakadiring isipin =___=

Pagkatapos nung break, pumunta na kami sa room. Ang galing galing. Classmate namin siya. Buti na lang talaga forever siyang tulog. Hindi ako maiilang. Sa bagay, maaalala pa kaya niya na naging ex niya din ako? Eww. Disturbing thought.

"Ms. Perez! Nakikinig ka ba?" Sigaw ng teacher namin. Oh noes. Nasigawan ako ng gremlin na 'to. For sure, sa detention ang bagsak ko nito.

"O-opo." Nauutal kong sabi.

"If that's the case, ano nga yung sinasabi ko kanina?" Tanong niya with matching panlalaki ng mata. Ang mga teacher na ganito ang dahilan kung bakit natatakot ang mga estudyanteng pumasok sa school. =___=

"Penge na po ng detention slip." Sabi ko ng nakayuko. Sabi ko nga hindi ako nakikinig. Whatever.

Biglang nagtawanan yung buong klase. Haaay. Mtturn off na naman siguro sa akin si Sheen. Bakit ba kasi hindi ako nagmana sa parents ko? Yung mga kamag anak naman namin matatalino, sila Kuya Clarence. Paano ako makakapasok sa St. Claire's Academy kung ganito ng ganito ang grades ko? =___=

"Hay, Ms. Perez, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa'yo." Tapos lumapit siya sa akin at binigay ang detention slip. Sana sa library lang ako paglinisin.

Natapos ang buong klase ng nakayuko ako. Haaay, Alys. Halos kasisimula pa lang ng klase, nangongolekta ka na agad ng problema. 

"Good luck sa detention, Besh!"

Seducing Drake Palma (PUBLISHED AND SOON TO BE A MAJOR MOTION PICTURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon