44

3.2K 85 2
                                    

Sana's POV

Nag-iimpake na ako ng mga gamit ko habang si Tzuyu ay tahimik lang akong pinapanuod habang naka-upo sa kama ko.

Dito na ako sa bahay natulog pagkatapos naming mag-celebrate ng birthday party ni Tzuyu sa bahay nila.

Pagkatapos kong mag-impake naupo ako sa tabi niya at hinawakan siya sa kamay habang ni-ra-rub ko yung back part ng kamay niya.

"Don't be sad Chewy." Sabi ko at naupo sa lap niya.

Pinulupot naman niya ang braso niya sa bewang ko at sinubsob ang mukha niya sa leeg ko. "I'll miss you Hon."

"I'll miss you too pero saglit lang naman kami e." Pag-a-assure ko sa kanya.

Tumingin siya sa akin kaya hinalikan ko siya sa labi ng matagal habang niyayakap siya sa leeg.

Napahinto naman kami sa paghahalikan ng may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

"Sana dalian mo baka mahuli tayo sa flight!" Rinig kong sabi ni Umma.

"Opo!" Sigaw ko at umalis na sa lap niya.

Hinila ko na siya patayo at tinulungan na akong buhatin ang mga gamit ko.

"Hatid ko na po kayo sa airport." Sabi ni Tzuyu nang makalabas kami sa kwarto ko.

"Salamat Tzuyu." Nakangiting sabi ni Appa at lumabas ng bahay.

Naupo na ako sa shotgun seat habang sila Umma at Appa ay sa likod. Tahimik lang kaming bumabyahe papuntang airport. Hindi rin gumagawa ng kalokohan si Tzuyu.

Kapag dadalawa lang kasi kami kung anu-ano sinasabi niya.

Pagkadating namin ng airport tinulungan na kami ni Tzuyu mag-buhat ng mga gamit namin at nagulat na lang kami dahil nandito sila Jihyo.

Lumapit na kami sa kanila habang sila Umma at Appa ay may pinuntahan.

"Bakit hindi mo sinabi sa amin na pupunta kang Japan?" Tanong nila Momo at Mina sa akin.

"Hindi naman kayo nag-tanong e." Biro kong sabi sa kanila.

Binatukan naman ako ni Jihyo kaya tinignan ko lang siya ng masama.

"Mag-ingat ka dun!" Sabi ni Nayeon-unnie na parang naiiyak.

Akala mo naman nanay ko siya. -_-

"Kaya kong alagaan sarili ko." Sabi ko sa kanila.

"Yeah." Sarcastic na sabi ni Jeongyeon-unnie.

Clumsy lang ako! Kainis!

"Chewy tahimik mo." Asar ni Chaeng sa kanya habang tinatap yung balikat niya.

"Ayaw mahiwalay kay Sana-unnie." Dagdag naman ni Dahyun.

"Asarin niyo pa." Banta ni Jihyo sa dalawa.

Sakto namang dumating na sina Appa at Umma.

"Nandito pala kayo." Bati ni Umma sa kanila.

Binati naman nila Jihyo sila Umma. Nakita kong sobrang lungkot ng mukha ni Tzuyu kaya hinawakan ko ang kamay niya at pinisil.

"CR lang po kami Umma." Paalam ko sa kanila.

Pumayag naman sila kaya hinila ko na si Tzuyu sa CR and luckily walang tao kaya pinasandal ko na siya sa counter at niyakap siya sa bewang habang nakasiksik ang mukha ko sa dibdib niya.

"Chewy." Tawag ko sa kanya.

Hinawakan niya ako sa pisnge at tinignan ako sa mata. "I know this is so hard for both of us kaya promise me one thing Hon."

"Ano yun?"

"Ako lang." Sabi niya at binuhat ako para mapa-upo sa counter top.

Pinalibot ko naman ang mga binti ko sa bewang niya ganun din ang kamay ko sa leeg niya.

"Ako dapat ang nag-sasabi niyan e!"

"Bakit pa ako mag-hahanap?" She asked me pero hindi ako nag-salita hinihintay na ituloy ang sasabihin niya. "We're perfect together."

Namula naman ako sa sinabi niya at pinisil ang ilong niya. "Promise me hindi ka lalapit sa Seolhyun na yun kapag wala ako."

"Yes Hon."

"Kapag talaga nagpa-agaw ka sa kanya papatayin kita." Banta ko sa kanya at tinignan siya ng masama.

"Papatayin mo talaga ako?"

"Bakit magpapa-agaw ka!?"

"That's not what I mean Hon!" Kabado niyang sagot. "You're mine and I'm all yours."

"Tsaka ito pa!" Sabi ko habang ina-act yung word na isa pa.

"What?"

"Ako lang dapat ang mamanyakin mo."

Tumawa naman siya ng malakas kaya tinignan ko siya ng masama.

"O-okay I'll stop." Utal-utal niyang sabi habang hinahabol ang hininga niya.

Kasalanan ko ba kasing manyak to.

"Just promise me Chewy!" Galit kong sigaw at tinulak siya palayo sa akin.

Pero lumapit pa rin siya sa akin at hinawakan ako sa bewang habang naka taas ang kanang kamay niya. "I promise." Natatawa niyang sabi.

Nag-vibrate naman ang phone ko at nakitang hinahanap na pala ako nila Umma.

"Tara na nga!" Inis kong sabi at hinila siya papunta kayla Umma.

"Aalis na tayo." Sabi ni Umma kaya lumapit ako kayla Jihyo at niyakap sila isa-isa.

"Mami-miss ka namin Sana!" Sabi nila habang naka-group hug kami.

Binulungan ko naman sina Chaeyoung at Dahyun na bantayan si Tzuyu lalo na kay Seolhyun.

"Bye na!" Sigaw ko at nag-wave sa kanila.

Bigla naman akong hinila ni Tzuyu papalapit sa kanya at hinalikan ako sa labi habang naka-yakap siya sa bewang ko. Napakapit naman ako sa balikat niya at sumabay na lang sa flow.

Nag-titigan lang kami habang naka-dikit ang noo namin at naka-ngiti.

"Hindi ako papayag na walang kiss kapag aalis ka." Bulong niya sa tenga ko. "I'll surely miss your lips."

Lumayo na ako sa kanya kasi alam kong nanunuod sila Umma at Appa.

"I'll miss you too." Nahihiya kong sabi sa kanya.

Tinawag na ulit ako nila Appa kaya lumapit na ako sa kanila and one last time nag-wave ulit ako sa kanila.

Chewy is really unexpected.

Inlove With A Perverted Girl!? || SatzuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon