10- Evening Activities

8.3K 352 26
                                    

"Rifka! Anong nangyari? Okay ka lang ba?" napalingon si Rifka sa mga bagong dating sa pangunguna ni Deus. Napansin niya ang pag-aalala sa makinis nitong mukha kaya naman bigla siyang nahiya. Pinag-alala pa niya ang mga ito. Kasunod ng lalaki ay sina Tiana at Malik.

"O-Okay lang ako, Deus," mahina niyang sagot pero hinawakan siya ni Deus sa magkabilang balikat at pilit siyang in-examin. Napatingin tuloy siya sa kanyang sarili. Marumi ang kanyang suot na uniform, may punit sa kanang sleeve ng kanyang undershirt na kita dahil hindi niya suot ang kanyang coat, at merong natuyong dugo sa may kaliwang balikat niya kung saan siya nasaksak kanina pero naghilom na ang sugat doon.

"What exactly happened?" tanong ni Tiana kaya napalingon si Rifka kay Gaius na nakasandal sa pabilog na pillar sa may di kalayuan. Naka-krus sa may dibdib ang mga braso nito at nakatingin sa malayo.

Tinanggal ni Deus ang pagkakahawak sa kanya nang makitang nandoon si Gaius pero hindi nito pinansin ang lalaki.

"So?" taas-kilay na usisa ni Tiana.

"Nagpunta ako sa gubat para maghanap ng mga halamang kakailanganin ko nang bigla akong inatake."

"Vampires?" sabad ni Malik.

Tumango si Rifka. "Purebloods. Lumaban ako sa kanila hanggang sa naabutan ako ni Gaius sa gan'ong sitwasyon. Tinulungan n'ya ako and we decided to bring the last attacker here para makunan ng impormasyon."

"Ano naman ang ginagawa mo sa gubat? Sinusundan mo ba si Rifka?" biglang malakas na tanong ni Tiana at namaywang habang nakatingin kay Gaius.

Patamad na bumaling sa kanila si Gaius. Boredom was written all over his face na para bang mas gugustuhin pa nitong matulog kaysa makaharap sila. Ni hindi nito sinagot si Tiana.

"I'm asking you, Kühn," may pagbabanta na sa boses ni Tiana. Her eyes were starting to turn red.

Hindi pa rin sumagot si Gaius. Tumaas lang ang kaliwang kilay nito saka muling bumaling sa ibang direksyon.

"Jerk!" akmang aatakehin na ito ni Tiana ngunit napigilan ni Deus ang kanang braso ng babae.

"That's enough, Tiana. We know why he goes to the forest," sabi ni Deus kaya napatingin dito si Rifka.

Gustong magtanong ng dalaga pero nanatili siyang tahimik. Sa gan'ong itsura siya nabalingan ni Deus.

"He has a small greenhouse in the forest," sabi ni Deus sa kanya. "Doon niya inaalagaan ang mga rare herbs na ibinibenta niya sa ibang mga estudyante."

Pinigilan ni Rifka na tumaas ang kanyang mga kilay dahil sa narinig. Kaya naman pala sinasabi nilang ito lang ang nakakaalam kung saan matatagpuan ang mga rare na halaman. Ito pala ang nagtanim.

Sinulyapan niya si Gaius. Nakatingin pa rin ito sa ibang direksyon. Napaka-negosyante naman yata nito. She wondered why he needed to do all this work when his family was literally the richest in the city.

Narinig nila ang pagbukas ng pinto ng opisina ni Director Brisbois kaya napatingin silang lahat doon. Kasunod n'on ay ang paglabas ng nakaposas sa likuran na lalaki. He was tall, had shoulder-length silver-gray hair, looked liked a teenager and was wearing a black overall.

"Marami pa ang darating para patayin ka Rifka Spivak. Maghintay ka lang," sigaw ng lalaki na nagpumiglas mula sa hawak ng dalawang lalaking security guards.

"Take him away. Siguraduhin ninyong maparusahan iyan ng ISOP," sabi ni Director Brisbois na nakatayo sa may pintuan.

Napansin ni Rifka na nakatingin sa kanya ang kambal at si Malik nang makalayo ang priso at guards kaya bigla siyang kinabahan.

SentryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon