Chapter 41 ♥ Unleashing Secret

29.5K 362 50
                                    

Chapter 41

Serene's POV

Maagang pumasok sila Nyree at Kelly kasama si manong Raul na syang nagsisilbing driver nila. Miss ko na rin si manong Raul sa totoo lang. Madalas ko pa rin naman syang nakikita dito sa bahay lalo na doon sa may garahe. Si Reece at Julian naman sa ikalawang banda ay sabay na pumasok. Halos itulak ko pa nga si Julian para gawin ito eh. Madalas kasi ay si Shane na ang sumusundo kay Reece pero hindi ngayong araw na ito. Hindi ko alam kung bakit wala sya, naghintay pa man din si Reece. Sa ikalawang banda, nakita ko naman itong pagkakataon para magkasama ang dalawa. 

Nakadisguise-look na ako para sa Maeda Mora noong pumasok si Niel sa bahay para sunduin ako. Sa pagkakataong ito, sabay na kaming dalawa na papasok sa school nila Souta. Hindi na nya kailangang magtago sa akin dahil alam ko naman na naroon sya para bantayan ako. Noong makapasok sa bahay ay kumaway sya sa akin at pagkatapos nagtuloy tuloy na sa loob ng kusina kung saan kasalukuyang nagluluto si ate Desi. 

"Hmm.. ang bango naman yang niluluto mo ate Des! Mukhang masarap ah!" 

"'Sus. Sige na, sige na. Ihanda mo na yang mga pinggan hijo ng makakain na kayo ni Serene."

May narinig akong tawanan kaya pumunta na rin ako sa may kusina. Sa tuwing pumupunta rito si Niel madalas, sa kusina ang first stop nya. Akala mo nga bahay nya eh, parang hari kung makapaglakad. Hindi ko rin naman sya masisi dahil sa dalas ng pagpunta nya rito, nagmistula ng pangalawang bahay ang bahay namin para sa kanya. Madalas din si Jace dito. Actually hindi lang silang dalawa, pati sila Rico, Nathan at Shane diro na rin ang tambayan.

"Gutom na ako." reklamo nya. Umupo ako sa may tapat nya. Inihahanda na ni ate Desi ang bagong lutong sinangag, itlog at tocino sa tapat namin. Noong makita ito, para syang nabuhayan. Sabik na sabik nyang pinagkuskos ang mga kamay noong tuluyan na ngang nailapag sa mesa ang mga nasabing pagkain. Sumandok sya na akala mo nakikipag-unahan kung kanino. 

"Huwag mong sabihin Rico ka na rin Niel? Medjo gutom lang ang peg?" pabiro kong untag. 

"Hindi kasi ako nakakain sa bahay." panay na ang subo nya. Nilunok muna nya ang sandamukal na isinubo nyang kanin bago nagsalita ulit. "Kain ka na rin. Malalate na tayo nyan." 

"Bakit ka nga ba hindi nakakain sa bahay nyo? Nagiging habit mo ng tumambay rito ah." 

Hindi lang madalas, madalas na madalas. Napapansin ko rin na nagiging super close na sila Julian. Palagi kasi silang naglalaro ng videogames sa may sala. 

Ngumiti sya sa akin. Tulad ng dati, labas na naman ang malalim nyang dimples sa pisngi. 

"Is it a good thing or a bad thing?" 

"Depende. Hanggat ikaw pa rin siguro si Niel pwede pa, pero kapag nag-evolve ka na bilang Rico..." I sighed dramatically para may epek. "I might as well kick you out of my house dahil uubusin mo ang lahat ng pagkain namin sa ref." 

Naalala ko tuloy noong nakaraang araw na nagkaroon ng get together ang Intricate at Princeton band dito sa bahay. Dahil sa kagutuman ni Rico, kinalkal nya ang buong kusina. Para syang maghanap ng pagkain. Kahit anong tago ang gawin namin, nahahanap pa rin nya. 

Ikinunot ko ang ulo ko sa pagkakaalala nito. Tumawa naman si Niel sa harap ko. Inihagis nya ang maliit na piraso ng tinapay na kasalukuyan nyang pinapalamanan ng peanut butter. Hindi ako nakailag kaya tumama ito sa mukha ko. 

"Niel!" Pinunasan ko agad ang mukha ko. Kaliligo ko pa lang mag-aamoy peanut butter na naman ako. Pero hindi sya tumigil at patuloy pa akong hinahagisan ng kung anu-ano. There's a look of mischivousness in his eyes. Bumelat sya sa akin. Hindi ko alam pero hindi ko mapigilang tumawa kasama nya. Hanggang sa nauwi sa biruan at tawanan. 

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon