Chapter 197

844K 30.1K 22.7K
                                    

A/N: Sorry for the wrong spelling and grammar. Maganda lang ako pero hindi ako perpekto. Hehehehe

Back Attack

Jay-jay's POV

Buset talaga tong Percy na to! Mapilit-mapilit ang lintik. Ipinilit talaga nya ang lintik na amusement park na yan kahit ayoko.

"Kuhanin ko lang kotse ko." Paalam nya at mabilis na tumakbo paalis.

Ang liit lang kasi parking sa harap ng Mini Mart kaya madalas sa malayo sya nag-pa-park. Naiwan akong naka-tanga sa harap at palakad-lakad.

Hindi mawala sa isip ko yung sinabi ni David. Kingina kasi! Ang dating tuloy sakin may feelings nga si Keifer dahil apektado sya nung ginawa ni David.

Panu mangyayari yun?! Wala ngang feelings sakin!

Umaarte lang siguro yun. Bigyan ng Oscar dinaig si Leonardo de Caprio. Kahiya!

Nagkakaroon tuloy ako ng pag-asa. Aasa na naman ako sa wala. Tapos iiyak na naman ako, eh hindi naman nagiging perlas luha ko----muta! Nagiging muta!

Habang naghihintay pa rin kay Percy napatingin ako sa grupo ng kalalakihan na papasok sa Mini Mart. Mga college student, pamilyar kasi yung uniform nila. Ang iingay kasi nila at parang nakita ko na rin sila.

"Ang sakit nga! Pagnahanap ko yung babae na yun, yari sya sakin!" Sabi nung isang nangunguna sa kanila.

"Tang'na Pre! Pinabagsak ka ng babae?!" Pang-aasar nung kasama nya.

"Sabi mo kaibigan ni Savannah. Bakit hindi mo hanapin----?"

Hindi ko na narinig yung sunod nilang sinabi. Nakapasok na kasi sila sa Mini Mart. Yung napaisip ako bigla dun sa pangalan na Savannah. Saan ko nga narinig yun?

Savannah Shane!

Putik! Yung kagabi! Bakit ba parang nagiging makakalimutin na ko? Ang masama pa nito yung lalaking nagsasalita kanina, mukang sya yung sinipa ko sa dibdib.

Lagot!

Tinignan ko yung paligid. Nagbabakasali kung nasan na si Percy. Bakit kasi ang tagal nya? Saang lupalop na ng earth nagpunta yun? Hindi ako pwedeng magtagal dito.

Pinili kong hanapin nalang si Percy. Wala kasi akong cellphone number nya. Hanep yan!

Lalakad na sana ako ng may bigla humawak sa braso ko. Tinignan ko yun ng masama pero napalitan ng gulat ng makilala ko sya.

Malas talaga!

"Tignan mo nga naman..." Maangas na sabi ni Kuya----yung sinipa ko sa dibdib. "...Pinag-uusapan lang namin pero eto na at kaharap ko."

Pilit kong binawi ang kamay ko. Magaan lang ang pagkakahawak nya kaya nakabitaw din sya agad. Tumalikod na ko at akmang tatakbo pero may nakaharang na katawan.

Napaatras ako, dun ko lang napansin na nakapalibot na pala sila sakin. Lima lang sila pero nagtatangkaran. Hindi ko alam kung kaya kong lumaban, lalu na't may dinaramdam akong sakit.

Sakit ng sawi sa pag-ibig!

"Nasan ang tapang mo ngayon?" Sabi ulit nung lalaking sinipa ko.

Mukang sya ang leader ng mga ungas na to. Sya lang kasi ang mukang mas maangas kesa sa kanilang lahat.

"Wala ako sa mood makipag-talo. Pwedeng umalis na kayo sa daraanan ko?" Mahinahong sabi ko.

"Kung hindi kami umalis?" Sagot ng kaharap ko.

"Mapipilitan akong pwersahin kayo." Banta ko at pinatunog ang kamao ko.

Ang Mutya Ng Section E (Part Two) The Dark SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon