CHP36: He's your Prince, I'm his Queen

1.5K 44 19
                                    

"Kung sabihin kong oo, may gagawin ka ba para mawala ka sa kwento?" - Shawn

Dedicated to jade_kulot Hi! Chingu! As I promised eto na po 😘 Dahil napakahaba ng message mo sa'kin, hinabaan ko na rin ung UD ko. 😊😍😍Salamat and hope you like it. Enjoy reading. 💪💖

--
/DASURI/

"Aigoo! Kaygandang bata naman nito. Talagang bang asawa mo sya Jong In?"

"Nakakagulat parang kahapon lang ay musmos ka pang naglalaro kasama 'yung anak ng kasambahay nyo. Tignan mo naman ngayon, may asawa kana't magkakaanak pa."

"Sobrang bilis talaga ng panahon. Nakakagulat ano?"

Ilan lamang 'yan sa mga nawika ng mga taong nilapitan namin ni Kai. Sila daw 'yung ilan sa mga tauhan nila dito. Sila din yung mga nakasaksi ng kabataan ni Kai kaya naman masaya silang makita muli ito.

"Ang tagal na rin ho pala bago ko nakabalik rito. Pero parang hindi ho kayo mga nagsitanda ah. Parang katulad pa rin kayo ng dati." Biro naman ni Kai. Nagtawanan ang mga nakakatanda dahil roon.

"Ikaw talagang bata ka. Di ka parin nagbabago, napakapilyo mo parin." saad ng babaeng may suot-suot na sumbrero sabay hampas sa balikat ni Kai.

"Sinabi mo pa Tiya Oring, Haha." segunda ng lalaking katabi nya. Nangingiti lang ako sa naging usapan nila.

"Dito kana ba maninirahan muli?" Tanong nung lalaking may salamin. Napasulyap naman ako kay Kai.

"Ay hindi ho. Pumasyal lang ako para ipakilala sa lola ko at sa inyo na rin ang asawa kong si Dasuri." Sinulyapan pa ko nito at hinawakan sa likod. Sa akin naman natuon ang atensyon ng lahat.

Ngumiti ako't nagbigay galang, "Kamusta po kayo?" Nginitian din ako ng mga taong naroon.

"Mabuti naman kami. Masaya rin at nakilala ka namin." Hindi na ko sumagot at piniling makinig na lang sa usapan nila.

"Maiba ko, nagkita na ba kayo ng kababata mong si Sarah? Yung anak ng kasambahay nyong si Tina." Napatingin ako sa pinaka matanda sa kanilang lahat ng marinig ang sinabi nya.

"Siguradong sya ang unang matutuwa pag nalaman nyang pumasyal ka rito." Dagdag pa nya.

"Buong akala ko nga'y sila ng anak ng kasambahay nila ang magkakatuluyan. Hindi kasi mapaghiwalay ang dalawang yan. Halos araw-araw na naghahabulan." Nagtawan ang lahat maliban sa'kin na nakakunot ang noo habang nakatitig kay Kai.

Ano ba 'yung sinasabi nila? Nilingon naman ako ni Kai at pasimpleng binulungan. "Don't mind them. It was a joke."

"Matagal na ho iyon. Naalala nyo parin? Mukhang matatalas parin ho talaga ang mga memorya nyo. Walang kupas. Haha."

Nagpatuloy si Kai sa pakikipagkwentuhan sa mga tauhan nila. Dahil hindi naman ako makagets sa kung ano man iyong topic na meron sila. I decided to go for a walk. Nilibot ko ng tingin ang malawak na sakahan na meron sila. May napansin din akong mga hayop na sama-sama sa kabilang banda nang kinaroonan ko. Minabuti kong lapitan ang mga iyon at usisain. Wala pang sampung minuto ay nakarating na agad ako rito.

Bumungad sa'kin ang iba't-ibang klase ng hayop na inaalagaan mula rito. Mayroong baboy, manok, isda at maski na mga kabayo. Naexcite ako at nilapitan ang mga iyon.

"Woah, ngayon lang ako nakakita ng ganitong kagandang kabayo." Saad ko matapos lapitan ang kabayong nakatali sa bandang dulo. Makintab ang maitim na kulay nang buhok nito. Habang nakapakalambot naman nang kanyang mahabang buhok. Hindi ko maiwasang haplusin ang bawat hibla nito. Napahinto lang ang ako nang may marinig na boses mula sa bandang likuran ko.

BOOK II: Officially Married To My BiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon