PROLOGUE

728K 16.3K 11.8K
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"NAPAKAGUWAPO MO TALAGA."


Naiiling na lang ako sa walang katapusang papuri ng grandparents ko.


"O bat di ka naniniwala, apo?" Sumimangot si Lola Soler. "Kay ganda mong lalaki. Kung tutuusin, pwede kang magmodel o mag-artista."


"I'm a very private person, 'La, and you know that. I am not cut out for showbiz."


"Sabagay. Ayoko rin na putaktihin ka lalo ng mga babae."


Nangalumbaba pa si Lola para pagmasdan ulit ako.


"Your lola is telling the truth, hijo. Believe her," sang ayon ni Lolo Saul na nakatitig na rin sa akin.


Seriously? What's wrong with them? Ang weird nila mula nang magising ako. Ah, whatever.


"Natatakot talaga ako mapikot ito sa Maynila e. Parang hindi ko pa kayang i-let go itong baby natin."


"Hindi na ako baby, 'La. Kaya ko na ngang gumawa ng baby."


Nanlaki ang mga mata ni Lola at padabog na binitawan ang hawak niyang kutsara. "Klay!"


Napahalakhak ako sa reaksyon niya. "Joke lang, 'La. Pero hindi na kasi ako baby, binata na ako. But don't worry, wala akong girlfriend ngayon kaya malabong mapikot ako."


"'Wag ka nga pala munang umuwi sa Maynila, apo. Dito ka muna. Miss na miss ka na namin ng lolo mo e." 


Napangiwi ako. My plan is to go back to Manila first thing in the morning tomorrow. Marami akong naiwang asikasuhin sa mga negosyo ko bago ako pumunta rito at magkasakit. At dahil walang maayos na signal dito, hindi ako nakapag-update sa mga tauhan ko.

Casa Inferno (The heart's home)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon