39

43.3K 929 166
                                    


CHAPTER THIRTY-NINE

Please, don't lie to me.


Nanatili lang akong tahimik habang nagda-drive si Zild pabalik sa bahay. Iniisip ko kung nasaan na ba si Ressler. Kung nakauwi na ba siya? O doon siya matutulog sa bahay ng babaeng hinatid niya?

"Hey. Stop overthinking, okay? I know Ressler. He loves you," pagpapakalma sa 'kin ni Zild habang nananatili sa daan ang tingin niya.

"Maybe this Architect Morales is really just a friend, Tam. Kahit ako, kapag hindi na kayang umuwi ng kaibigan ko, I'd watch them over and get her home safe. Kesa ibang lalaki ang mag-uwi sa kanya na may ibang motibo, 'di ba?" dagdag pa niya.

Hindi pa rin ako umimik.

Nang makarating kami sa bahay, nakita kong wala pa rin ang sasakyan ni Ressler.

Hindi pa rin siya umuuwi? Ang tagal niya namang maghatid?

"Thank you, Zild. Pasensya na talaga sa abala."

"Hindi ka abala, okay? Sige na pumasok ka na sa loob baka nagising si Ram," huli niyang sabi at saka niya ako nginitian bago siya tuluyang umalis.

Dumiretso agad ako sa kuwarto ni Ram at nakahinga ako ng maluwag nang makita kong mahimbing pa rin ang tulog niya.

I gave him a quick kiss on his cheek before going back to my room.

Sumandal lang ako sa head board ng kama at pinag-isipan mabuti kung dapat ko bang subukang tawagan ulit si Ressler.

In the end, I chose to try calling him again for the last time.

Thank God he picked up the call.

"Hey, babe," sagot niya.

"Nasan ka na?" tanong ko.

Please don't lie.

Please don't lie to me.

"I'm still here with the planning team."

I felt the pain inside my chest when he said those words.

Why did he lie?

"Ano'ng oras ka uuwi? Hindi ako makatulog," pagsasabi ko ng totoo. Hangga't hindi siya nakakauwi ay hindi mapalagay ang isip at damdamin ko.

Ilang segundong katahimikan.

Bakit hindi niya sinasagot ang tanong ko?

"Ressler? I said anong oras ka uuwi?" pag-uulit ko. Nananatiling kalmado ang boses ko kahit sa totoo lang ay nanghihina na ako sa pagsisinungaling niya sa 'kin.

"Magpahinga ka na. 'Wag mo na kong hintayin. I think I'll be home by 7 in the morning. I need to watch out for my boss."

I talked to your boss, you liar.

You weren't with your boss. You were with someone else.

"Okay," madiin kong sabi at saka ko binaba agad ang tawag.

Hindi ako nakatulog hanggang sa sumapit ang liwanag.

Bumaba ako sa kusina para uminom ng tubig at maya-maya lang ay narinig ko na sa labas ang sasakyan ni Ressler.

Pagpasok niya sa loob ay lumapit agad siya sa 'kin at hinalikan ako sa pisngi.

"Good morning," he greeted, flashing me a smile.

Paano mo ko nagagawang ngitian pagkatapos mong magsinungaling sa 'kin?

"Morning," pilit na ngiting sagot ko at saka umiwas sa kanya.

"I'll go back to work starting today," I informed him, pouring me another glass of water.

"Wait, what? I thought you've already quit?"

"I have no problem with quitting and coming back. My friend, Diego, he has connections in the company," I shrugged nonchalantly.

"But—"

"I'm fine, Ress," I cut him off and went upstairs, leaving him in the kitchen.

Pagpasok ko sa trabaho, binati ako ng mga kasama ko kahit alam ko namang pinag-uusapan nila ako kapag nakatalikod ako.

Diego was happy to see me again at work, but he was worried something bad might happen to me again.

Sure, at first, I really didn't like him. He was so annoying dahil madami siyang sinasabi.

But then I realized, it's good to know that he's always telling me things straight to my face. Not behind my back.

Lumipas ang buong araw, naging abala ako sa trabaho. Si Diego rin halos ang kasama ko buong araw pati 'yung tatlong OJT from Engineering.

Nasusungitan ko ng ilang beses 'yung mga OJT pero si Diego, matiyagang nakikipag-usap sa kanila. Iba rin talaga 'tong si Gazino, madalas nakakairita ang presensya niya pero nakakatuwa rin na mahaba ang pasensya niya sa mga tinuturuan niya.

"By the way, Morris," baling sa 'kin ni Diego pagkatapos niyang kausapin ang mga OJT. "I had a conversation with Morales a couple of times and based on my observation, she's a lot like you. I mean, you two are clearly different persons, but there's some resemblance," he stated, tapping my shoulder.

"Watch out, Morris. I really don't like you, but I think I need to side with the wife, you know?" he added.

Smile For Me, ResslerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon