C21: Is it over?

220K 4.7K 752
                                    

BASAHIN!!!

Unedited ang mga chapters na nandito.

Ibig sabihin;

1) May mga typo.

2) Iba ang nandito sa published version. Revised 'yung C3CHAS na published kaya wag magtaka kung may iba rito. Kung nasimulan mo ang C3CHAS sa published na version mas advise na ituloy mo sa published na ver.

Kung ayaw nyo maspoil sa story.

Gawin ang mga sumusunod;

1) Wag magbasa sa comment section.

2) Wag magmadali, malalaman naman lahat sa dulo.

Sa pagbalik ko nito. Respeto na lang sa mga hindi pa talaga nakakabasa, pls wag spoiler. No papansin allowed. Char! Haha.

---

Denise's POV

Tinignan ko lang ang sasakyan ni Summer habang papaalis ito. Hindi pa rin ako makaalis sa kinatatayuan ko. Paulit ulit pa ring sumasagi sa isipan ko ang mga sinabi niya. Nakaramdam ako ng kaba, ng takot at lungkot. Baka totoo ang mga sinabi niya.

Maari ngang naawa lang sa akin si Ash.

Ilang minuto akong nakatulala sa kawalan. Wala akong naisagot sa mga sinabi niya dahil wala naman akong pinanghahawakan. Hindi ko naipagtanggol ang sarili ko. Wala akong nagawa kundi tanggapin lang ang lahat ng sinabi ni Summer. Nagmukha akong tanga sa harapan niya. Ngayong wala na akong best friend, hindi ko kayang mawala rin si Ash. Hindi ko kayang mag-isa. Lalamunin ako ng takot.

Ayokong dumating ang oras na mag-isa na lang akong lumalaban. Nakaramdam akong ng kirot sa puso ko kasabay ng pagtulo ng luha mula sa mga mata ko. Wala naman akong ginawang masama. Bakit ako ang pinaparusahan nila?

Napaatras na lang ako nang bigla akong lumingon. Hindi maari to. Bakit siya nasa harapan ko? Ilang beses kong kinurot ang balikat ko ngunit  hindi pa rin siya nawawala sa harapan ko.

"A-Angie?" sabi ko habang naglalakad paatras. 

Nakatayo lang siya sa harapan ko. Suot suot pa rin ang uniporme niya katulad ng suot niya nang huli ko siyang nakausap. Puro dugo ang damit pati na rin ang mukha niya. Amoy na amoy ko ang katawan niya na halatang ilang araw na siyang hindi naliligo. Diba ... patay na siya?

Tumayo ang mga balahibo ko habang naglalakad siya palapit sa akin. Ngunit masyado siyang mabilis kaya nahawakan niya ang gilid ng buhok ko. Hinaplos haplos niya ito habang nakatingin sa akin. Ngumiti siya. Aaminin ko, nabawasan ang takot na nadarama ko.

Ibig sabihin ... buhay pa nga siya?

"Denise?"

Napatingin ako kay Alyana na naglalakad papunta sa amin. Lumingon sa kanya si Angie. Nakatitig lang ako sa kanila habang papalapit nang papalapit si Alyana sa amin. Hindi ako makapaniwala na totoo ang mga nakikita ko. Ilang linggo na pala silang magkasama. Hindi ko alam kung paano--kung bakit.

Mas lalo akong hindi makaalis sa kinatatayuan ko. Mas lalong ayaw bumuka ng bibig ko. Buong pagaakala ko ay patay na si Angie at inisip ko na rin na patay na si Alyana. Akala ko alam ko ang mga nangyayari.

"Denise, sana wag itong makakarating sa iba nating kaklase." Wika sa akin ni Alyana. "Kung gusto nyong isipin na patay na kami ... iyon na lang ang isipin nyo. Burahin nyo kami sa mga utak nyo."

"Bakit?"

Tinignan ko si Angie. Hindi siya nagsasalita. Tahimik lang siyang nakikinig sa amin ni Alyana.

Class 3-C Has A Secret | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon