11- Gaius' Payment

7.6K 370 32
                                    

"What the hell are you doing here?" Gaius snapped at Rifka nang makalabas sila ng bar. Dinala niya ang dalaga sa makipot at madilim na eskinita. Napapatingin pa sa kanila ang ilang mga dumadaan.

"Sinundan kita," mahinang sagot ng dalaga kaya napatitig si Gaius dito.

"Why?" hindi niya maintindihan ang galit na nararamdaman n'ya ngayon. Seeing her staring at him caught him off guard. He wasn't ready to show this to anyone from the academy. Yes, that's the reason why I'm angry, he convinced himself.

"I-I... Uhm..."

"Sinong kasama mong lumabas ng campus?"

"W-Wala. Ako lang mag-isa."

"Alam mo bang napaka-reckless nitong ginawa mo? There's a reason why Director Brisbois is prohibiting you from going out of the academy," he shouted at her face kaya napapikit si Rifka. Bahagya pa itong napaatras para makalayo sa kanya.

Ilang beses na huminga ng malalim si Gaius saka namaywang para kalmahin ang kanyang sarili.

Ngayon ay alam na niya kung bakit siya galit na galit nang nakita si Rifka kanina. It wasn't because she saw him on his job.

He was worried, he admitted to himself.

"Paano kung may makakita sa'yong taga-Faiga habang mag-isa kang palakad-lakad? You think you can fight them by yourself?"

Hindi nakasagot si Rifka. Nakalimutan nito ang bagay na 'yun base sa ekspresyon ng mukha nito na nakalabi na parang nagmamakaawa.

"You're a crazy little lady. Did you know that?" nanghihina siyang napasandal sa pader ng eskinita. Panay ang taas-baba ng kanyang dibdib dahil sa inis na nararamdaman. Paano kung hindi siya nasundan nito? Paano kung napunta ito sa ibang bar o club? Paano kung nabastos ito? Paano kung nahuli ito ng mga kababayan nito?

Huminga siya ng malalim. Kailangan niyang kumalma lalo na at nakikita niya ang takot sa mukha ng dalaga. Kailangan nitong manatili sa paningin n'ya para masigurong ligtas ito.

And he couldn't understand why he felt obliged to keep her safe. Hindi naman siya binabayaran para gawin 'yun.

Nanatiling tahimik ang dalaga at nakayuko lang ito. Para itong isang maliit na bata na nahuling kumakain ng maraming candy at chocolate kaya napagalitan ng nanay.

"I will finish up at midnight. You have to wait for me," he didn't know where that came from but he just couldn't let her go back to the school alone. Malinaw na ibinilin ni Director Brisbois sa kanila na kailangang bantayan ang pasaway na babaeng nakatayo sa harapan niya ngayon.

"That's too late," mahina nitong bulong pero malinaw naman n'yang narinig.

"Then you shouldn't have followed me here. Nanatili ka sana sa dorm room mo," inis niyang asik dito. May gana pa kasing magreklamo.

"S-Sorry," nakayuko nitong sagot. Ang lakas ng loob na lumabas pero agad namang yumuyuko kapag pinapagalitan.

Naiiling na iniwan na lamang ito ni Gaius at bumalik na sa loob ng bar kung saan siya sinalubong ng maraming babae. Mag-iisang taon na siya rito at kilala na siya ng mga babaeng laging tumatambay sa bar. Halos lahat ng mga ito ay nakikipag-flirt sa kanya pero masyado siyang busy sa kanyang trabaho, sa paghahanap ng pera, kaya hindi niya nabibigyang pansin ang mga ito.

"Sino ba 'yang bata na 'yan, Gaius?" agad na tanong ni Sabrina nang makapasok siya. Kinapos nanaman ng tela ang suot nitong violet na damit.

Napalingon si Gaius sa may likuran niya at nakita roon si Rifka. Nakasunod na ito sa kanya agad at hindi na siya nagulat doon.

SentryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon