Chapter 80: They Left Me

1.9K 71 6
                                    







~*~












(Ferresa's POV)











"What do you think?" Tanong sa akin ni Michelle ngunit wala doon ang atensyon ko.

Wala sa ginagawa namin ang atensyon ko. Bakit nga ba nangyayari ang lahat ng ito? Dahil lang kay Cashmere nagkagulo na ang lahat! Bakit? Noon naman okay ang lahat, kami lang ang babae, kami kami lang ang magkakasama.

"Hey Fe!" Pagtampal sa akin ni Michelle sa aking balikat.

Saglit lang akong tumingin sa kanya at hindi nagsalita, muli kong tinignan ang papel na aking hawak. Ang papel na para sa kanya. Ang ganda ng pagkakaukit ng kanyang ngalan sa papel na ito. No! Sa lahat ng bagay maganda ang kanyang pangalan.

"You're spacing out again."

Michelle sighed in defeat. I don't feel talking anymore. I just need them, him.

Nasaan na ba kasi sila? Nasaan na sya?

Bakit sya umalis? Bakit nya ako iniwan sa akademyang ito?

Bakit sila umalis? Dahil ba lahat to Cashmere? Si Cashmere ba lahat ng dahilan?

Hindi.

"Ferresa." Tawag sa akin ni Carl. "You need something to eat."

Isang tango lamang ang ginawad ko bago ako tumayo at lumakad palayo.

Sinunod ko ang sinabi nya pero bakit parang nagulo ang lahat? Bakit parang iniwan nila akong lahat? Tinulungan ko naman sya eh, but bakit ganito ang kinalabasan? Sabi nya sasabihin nya sa akin kung nasaan sya, ngunit hangggang ngayon wala pa rin. Nagiging tanga na ba ako o masyado lang na naguguluhan?

Am I bad?

Natumba ako ng may naramdaman akong bumangga sa akin. Hindi ako makaramdam ng sakit. Hindi ko inalis ang paningin ko sa sahig.

"Ferresa!" Nag-aalalang tawag sa akin ni Michelle.

Naririnig ko ang mga yabag nila papalapit ngunit natigil iyon bigla. Hindi pa naman sila malapit sa akin diba?

"Same as always. Hindi ka pa rin natututong tumingin sa dinaraanan mo Conya."

That voice! I knew that voice!








~*~










(Cashmere's POV)







Malamig na sahig. Malamig na pader. Kulob na hangin. Madilim na paligid.

Nakakulong ako.

"Ate."

But here, naririnig ko ulit sya. Hindi panaginip ang lahat. Iniwan na talaga nila ako. Iniwan nila ako.

Tama ba?

Tama ba na iwanan na lang nila ako rito? That's what the friends are for. Hahahahaha.

Nagbara ang aking lalamunan, at nanuyot. Hindi dahil sa malamig at kulang sa hangin na paligid, kundi dahil sa mga pangyayari.

Labag kaya to sa kalooban nila? Hindi ba sila napalapit man lang sa akin bago namin malamang isa akong prinsesa ng kadiliman? Hindi ba?

Si Rence. Wala bang pag-aatubili man lang?

Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon