Mag-sinungaling Ka

651 8 0
                                    

Mahal, ilang beses mo na ba kong sinukuan at binitiwan?
Ilang beses mo na ba kong iniwan at muling binalikan?
Ilang beses na ba kong umiyak dahil sa iisang dahilan?
Ilang beses mo na ba kong pinaiyak at sinaktan?

Hindi ko na mabilang kung ilang ulit mo ng ginawa yan.
Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses na kitang pinagbigyan.
Ngunit kahit na ganun, hindi kita magawang sukuan.
Dahil hindi ko kakayanin kung mawawala ka sakin ng tuluyan.

Ilang beses na ba kitang nahuli na may kasamang iba?
Ilang beses mo na ba ko napaniwala na kaibigan mo lang siya?
Ilang beses ko na bang pinili na magbulag-bulagan?
Ilang beses ko na bang itinago ang puso kong duguan?

Mahal, naaalala mo pa ba ang pakiusap ko sayo dati?
Na sana'y huwag kang mag-sinungaling palagi?
Binabawi ko na ang pakiusap ko na iyan.
Dahil simula ngayon, nais ko munang marinig ang iyong kasinungalingan.

Mahal, nais kong magpanggap ka simula sa araw na ito.
Nais kong mag-sinungaling ka sa harapan ko.
Nais kong marinig ang mga mabubulaklak mong salita.
Mga mabubulaklak na salitang ginagamit mo rin sa kanya.

Nais kong gawin mo rin sa akin ang mga bagay na ginagawa mo sa kanya.
Ang mga yakap at halik na sa kanya'y nagpapaligaya.
Nais kong yayain mo rin ako na pumunta sa kung saan.
Sapagkat nais ko rin makita ang madalas ninyong pinupuntahan.

Mahal... Pakiusap, mag-sinungaling ka.
Sabihin mo sa akin na ako'y mahal mo pa.
Sabihin mo sa akin na hindi mo ko iiwanang mag-isa.
Sabihin mo sa akin na hindi mo ko magagawang ipagpalit sa iba.

Nakikiusap ako sayo, mag-sinungaling ka.
Sabihin mo na sa trabaho ka lamang pupunta at hindi sa kanya.
Sabihin mo na dito ka agad didiretso.
Sabihin mo na sa pag-gising ko sa umaga madadatnan kita sa tabi ko.

Parang awa mo na, mag-sinungaling ka.
Sabihin mo sakin na ako ang mahal mo at hindi siya.
Sabihin mo na hindi ka nahulog sa kanya.
Sabihin mo sakin na pagmamay-ari pa kita.

Nagmamakaawa ako sayo, mahal ko.
Sabihin mo sakin na ako pa rin ang laman ng iyong puso.
Sabihin mo sakin na isa lamang itong panaginip na masama.
Sabihin mo na sa pagmulat ng aking mga mata'y kasama pa rin kita.

Mahal, sana'y mapagbigyan mo ang hiling ko sayo.
Ayos lang kahit paikut-ikutin mo pa ko na parang trumpo.
Ayos lang kahit magmukha akong tanga sa mata ng iba.
Ayos lang dahil hindi na iyon mahalaga.

Pakiusap mahal ko, wag ka munang lumayo.
Dahil masyado pa kong mahina para tumayo at tumakbo.
Kaya pakiusap, wag mo muna akong saktan gamit ang katotohanan.
Sa halip ay paligayahin mo muna ako gamit ang iyong mga kasinungalingan.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon