Chapter 13

389K 7.8K 944
                                    

Mhelanie "MM" Muller.  sino  ang  hindi  maaakit  sa  ganito  kagandang  dilag? Hehe!!

        FALCON: What are you doing, Mi Amor? Wala pa yatang limang segundo ay nagreply na agad si Mhelanie sa text message niya.

MM: Kakaligo ko lang. Mabilis siyang nagtipa ng isasagot.

Falcon: Damn! You are naked right now?   He replied back with an astonished emoji and a See-No-Evil Monkey — a monkey has hands covering its eyes. Malakas siyang humalakhak nang tatlong devil emoji ang pinadala ng dalaga sa kanya na sinagot naman niya tatlong angel emoticon at isang blowing a kiss.

Falcon : I wish I were there so I could spend hours between your legs. He texted her again with a simple tongue-out face, which signifies panting.

MM: Falcon!!!! Ang bastos-bastos mo! Kadiri ang emoji mo!

Malakas na humalakhak si Falcon. Isinandal ang ulo sa sandalan ng silya at nakangiting ipinikit ang mata. Nakikita niya sa balintataw niya ang cute na cute na namumulang mukha ni Mhelanie sa sobrang embarrassment. Falcon couldn't contain the chuckle and giggles that escaped his lips.

"Damn! He is the epitome of young, crazy in love!" Muli siyang nagmulat ng mata nang marinig ang pagpalatak ni Dock. Gusto niyang matawa nang makitang nakatingin pala sa kanya ang tatlong kaibigan. Kasalukuyan silang nasa may pool area sa bahay ni Wilson kasama si Dock at Alford.

"Love is crazy and Falcon is lunatic." Alford said with a disgusted expression. Hindi mapuknat ang ngiting tila pupunit na labi ni Falcon. Dammit! Aware siyang mukha na talaga siyang tanga sa ginagawa niya.

"Engaging to a sinful affair gives you the chills of thrills, and will always reminds us the excitement of cheating, right?

"Gago!" Kumuha siya ng isang pirasong ubas mula sa bowl at binato si Alford. Hindi naman niya sinasabi sa mga kaibigan ang tungkol sa kung anong mayroon sa kanila ni Mhelanie. Sinabi lang niya kay Alford na may nangyari sa kanila ni Mhelanie pero hindi na niya sinabi pa rito na may namamagitan pa rin sa kanila ni Mhelanie. Pero mukhang malakas talaga ang pakiramdaman ng isang ito. Pero kung tutuusin ay ganito lang ang ginagawa nila ni Mhelanie. Texting and calling na hindi niya akalaing ma-e-enjoy niya nang sobra. Mukha siyang teenager na may textmate at kahit sa meeting o kahit naliligo ay kasama niya ang cell phone. Ayaw makipagkita sa kanya ni Mhelanie. Lagi nitong sinasabing busy ito dahil simula na ang shooting ni Harper para sa bago nitong pelikula. Alam niyang nagdadahilan lang si Mhelanie. Iniiwasan siya nito pero pagdating sa phone ay hindi siya nito dinededma kaya kahit paano ay nakakalma ang loob niya at nakakapagtimpi pa siyang hindi puwersahin ang dalaga. Pero kaunting-kaunti na lang ay baka mawala na siya sa sarili at gawin na talaga niya kay Mhelanie ang katulad ng ginawa ng kanyang ama sa kanyang ina noon.

Lumabas mula loob ng bahay si Tita Nadia, ang ina ni Wilson na may dalang isang box ng brownies habang ang katulong ay dala ang tray na may lamang tatalong platito, baso at juice na nasa pitsel.

"Hi, boys. Snack muna kayo." Inilapag ni Tita Nadia ang box ng brownies at binuksan iyon.

"Oh, Red velvet cheesecake brownies." Agad na kumuha ng isa si Falcon at kumagat. Matagal-tagal na rin siyang hindi nakakatikim nito. Natigil si Falcon sa pag-nguya nang kumalat ang pamilyar na lasa ng brownies sa kanyang dila. Hindi niya akalain na may kasing sarap pala ng brownies na binibake ni Harper.

Fatal Attraction 4: Sinful AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon