Track 6: Time Changes Things

31.1K 1.2K 426
                                    


Melody's Point of View


It's my last class for the day and so far, I could say that this is the most peaceful day I spent in Concordia. Aside from my first three days here, of course.

Pero sa last subject ko ay kaklase ang Saving Daylights, sina Kelsey, Venice at Ysabella kaya baka may mangyari pang hindi maganda. Huwag naman sana.

"Congrats," bati sa akin ni Venice at umupo sa tabi namin ni Ingrid. "Mukhang hindi ikaw ang center of attention ngayon."

"More like center of hate," sagot ni Ingrid habang nanonood sa phone niya.

"May panibagong issue siguro silang pinagfie-fiestahan ngayon. In all fairness ang bilis. Parang kahapon lang pinapaulanan ka nila ng irap at parinig. Ngayon iilan na lang."

May iilan pa rin nga na nang-iirap pero sobrang konti na lang hindi tulad noong mga nakaraang araw. Kung ano man ang nangyari dahilan para tigilan ako ng iba, sobrang salamat. Sana nga lang maganda ang nangyaring 'yon at hindi dahil may panibago silang pinagchichismisan.

Kaya lang sa ngayon mukhang hindi pa rin ako handang i-check ang ibang social media accounts ko bukod sa Instagram na nagawa ko namang iprivate bago dumugin ng bashers. Iba pa rin ang mga keyboard warriors. Hindi sila agad titigil panigurado.

Pwedeng hindi sila nagpaparinig sa akin ngayon pero anong malay ko, baka mamaya dinudumog na ng hate comments ang mga account ko. Hindi pa ako handang basahin ang mga 'yon.

Dumating na rin si Kelsey sa room kasama si Leo. Umupo sila sa unahan namin pero itinalikod niya ang upuan at ihinarap sa amin dahil wala pa naman ang mentor.

"Melody, may nangyari ba sa inyo ni Jarvis?"

"WHAT?!" sigaw ni Ingrid at Venice kasabay nang panglalaki ng mata ko at pagkasamid ni Leo sa iniinom niyang tubig.

Pinalo ako ni Ingrid at pinanglakihan ng mata. "I'm your best friend. You should tell me things like that!"

"And I'm Jarvis' bestfriend but he never told me anything!"

Gusto kong tumawa kaya lang hindi ko alam kung nakakatawa ba talaga 'to. Hindi ko alam kung mali lang ba nang pagkakasabi si Kelsey o baka naman mamaya ay may bagong balita na naman pala na kumalat tungkol sa amin.

Sa Concordia naman kasi kahit anong balita basta tungkol sa dalawang paborito nilang banda mukhang pinapatulan nila. Real or fake man.

"Hindi sa gano'n. Ano ba kayo," irap sa kanila ni Kelsey. "Bigla lang kasing nagtweet si Jarvis kagabi na huwag na mangbash dahil magkaibigan lang kayo. Kilala ko 'yun, hindi naman siya basta pumapatol sa mga issue na gano'n."

"Kung kailan ako hindi nag-online saka nangyari 'yon," iling ni Venice at humarap sa akin. Bago pa man niya ituloy ang sasabihin niya ay dumating na si Jarvis at Aiden.

Umupo si Aiden sa bakanteng upuan katabi ni Ingrid at si Jarvis naman ay sa nag-iisang bakanteng upuan katabi ni Kelsey.

"You tweeted something last night?" tanong ko kay Jarvis pagkaupong pagkaupo niya pa lang.

Tumango siya bilang sagot sa tanong ko.

"Wow. Kaya siguro wala masyadong nang-iirap sa akin ngayon."

"Ah, it's good then. May nangyaring matino naman pala sa ginawa ko."

"Masyadong masunurin ang mga followers mo sa 'yo."

"Gusto mo bang bawiin ko at sabihing ituloy nila ang ginagawa nila?" biro niya pa.

I rolled my eyes and smiled. "Don't be silly. Ito na ang pinakapeaceful na araw ko sa Concordia magbuhat nang magsimula ang klase."

And They Say...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon