CHAPTER III

9.2K 336 40
                                        

"Umuwi ka na. Mag aalas dos na. Matutulog na rin ako." sabi ko sa kanya na siyang tahimik at nakatingin lang sa akin.

"Pwede bang mag-usap muna tayo?" mahinahong sabi nito. Napabuntong hininga naman ako.

"Rhi--" hirap na hirap akong bigkasin ang pangalan niya.

"...tsk! Sige ano bang paguusapan natin?" tinabi ko muna yung gitara at bumalik sa kinauupuan ko. Pinipilit kong kumalma hanggat maaari.

"Kahit hindi mo naman sabihin, alam kong galit ka sa akin. Hindi rin naman kita masisisi pero sana bigyan mo ako ng chance mag explain."

"Explain about what?! Parang sa pagkakaalala ko kasi, three years lang naman tayong hindi nag usap. So ano yung dapat mong i explain?"

"Glai, please hear me out first."

"Bahala ka!" napainom ulit ako.

"Believe it or not, pinagsisihan ko lahat ng pagkakamali ko sayo. But I was young and hurt and mad. The night you gave up on me, I told myself that I can live even without you. And I will never let anyone hurt me again like what you did to me. Sobrang galit na galit ako sayo nun kasi parang ang dali dali lang sayo. Sabi ko, kasalanan mo na nga ang lahat tapos ikaw pa ang nakipaghiwalay. I knew back then that you still love me pero dahil nasaktan ako, gusto din kitang saktan. Kaya pinamukha ko sayo na mas mabuting mag move on nalang tayo. Nag-rebelde ako sayo. Gusto kong ipakita na pwede akong maging masaya kahit wala ka. Ginawa ko ang lahat para masaktan ka. At kahit alam ko naman sa sarili ko na ikaw parin yung mahal ko, pumasok parin ako sa relationship dahil alam kong malalalaman at malalalaman mo yun. Pero lahat ng sakit bumalik lang din sa akin. Tinanong ko sila, hoping na hindi ka parin nakakamove on sa akin pero ang sakit sakit ng sabihin na okay ka naman daw and that you're seeing someone. So, ayun! Pinilit ko naman talagang totoong mag move on na pero ewan ko ba, kahit anong gawin ko wala namang nangyayari. Then I realized, everything was actually my fault. Mahirap tanggapin pero yun ang totoo. Maraming beses kong ginustong umuwi at magbakasakaling tatanggapin mo pa ako, na baka once inamin ko yung mga pagkakamali ko, pwedeng tayo nalang ulit."

"Bakit hindi mo ginawa?" pinahid ko ang luhang unti unting namumuo sa mga mata ko.

"Nauunahan agad ako ng takot every time naiisipan kong bumalik. Paano kung hindi na pwede? Paano kung maghiwalay lang ulit tayo dahil hindi parin naman ako nagbabago? So I said to myself, I need to grow up first. Siguro naman, kapag 25 or 26 na ako, marunong na akong umintindi. Kahit walang kasiguraduhan na may babalikan pa ako, I waited. Ayokong umuwi na kasing stupid, immature and selfish ng Rhian na nang iwan sayo. Glai, sorry talaga sa lahat."

"Kaya bumalik ka dito na parang wala lang nangyari?"

"Nahihiya ako sa lahat ng ginawa ko sayo. Hindi ko alam kung paano ka i approach kaya sinubukan ko na baka pwedeng katulad parin ng dati."

"Alam mo bang halos dalawang taon akong naghintay araw araw sayo? Kahit naiinis ako sayo, willing parin akong tanggapin ka. Pero para akong tanga na umaasa sa wala. Rhian, alam mo ba kung gaano ka sakit at kahirap sa akin yun?" hindi ko na pinigilan ang mga luha ko.

"Glai, wala akong masasabi kundi sorry. Pero nandito na ako, please Glai? Just give me one last chance, promise babawi ako." naluluha na rin siya.

"Hindi ko alam."

"Please..."

"Rhian, marami ng nagbago. Tatlong taon ang lumipas. Sorry pero hindi na rin ako sigurado." tumayo ako at mabilis na naglakad papasok ng bahay at hindi na hinintay ang sagot nito.





Dati, sa sobrang bitter ko sa kanya, nasabi ko na, once naisipan niyang mahal niya pa pala ako at bumalik siya sa akin, pahihirapan ko siya. Papaasahin ko siya. Dapat maramdaman niya yung naramdaman ko. Ngayon, ito nangyari na nga, bumalik na siya pero hindi ko alam. Mahal na mahal ko parin siya pero hindi na rin talaga ako sigurado kung pwede pa ba talaga. Hindi na ako sigurado kong kaya ko pang ibigay yung pagmamahal na yun sa kanya.

E V R Y W M N N T H W R L D: The Return Of The ComebackWhere stories live. Discover now